Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aegis, muling magtatanghal sa Main Theater kasama ang PPO

ALAM n’yo bang ‘di magsisimulang sumikat si Pepe “Benny” Herrera kundi dahil sa mga kanta ng Aegis band?

Sa Rak of Aegis ng Philippine Educational Theater Association (PETA) nagsimulang tumunog sa madla ang kakayahan ni Pepe bilang singer-actor. Isa siya sa mga gumanap na Tolits sa musical na ‘yon na nagtampok ng mga awitin ng Aegis. Pagkatapos gumanap ni Pepe roon, kinuha siya ng Star Cinema sa pelikukang You’re the Boss nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Natuwa si Coco kay Pepe noong gumawa sila ng You’re the Boss, kaya noong nagka-casting na para sa FPJ’s Ang Probinsyano, inirekomenda n’ya si Pepe na maging miyembro ng cast. Actually, ‘di lang bida si Coco sa ngayo’y pangunahing teleserye sa bansa kundi creative consultant din.

Sumikat na talaga si Pepe bilang Benny, ang matapat na sidekick ni Cardo (Coco) na yumao kamakailan sa istorya dahil sa pagsangga sa mga bala na dapat sana’y papatay sa na-frame up na magiting na pulis.

Samantala ang Aegis din ay umangat sa ibang level ang kasikatan bilang isang banda. Pati ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ay naging interesado sa kanila. Hindi lang hiniram ng CCP ang mga kanta nila para sa isang produksiyon kundi kinuha mismo ang Aegis para mag-concert sa Tanghalang Nicanor Abelardo (mantakin n’yo, Main Theater).  At ‘di ‘yon basta concert lang ng Aegis. Pinaakompanyahan sila sa Philippine Philharmonic Orchestra, ang pangunahing grupo ng classical musicians sa bansa!

Naganap ang concert noong Nobyembre 13 last year. Ang daming nanood!

Pero ang dami pa ring gustong manood na ‘di nakaabot sa mga petsa ng pagtatanghal. Kaya ngayon, ‘ika nga, due to insistent public demand, babalik ang Aegis for a one night only concert: sa February 11. Sa Main Theater uli. And with the PPO uli.

For tickets, tumawag sa CCP box office: 832-3704 up to 06 o sa 832-1125 local 1409. May discount ang mga tiket para sa mga estudyante, senior citizens, government employees, at mga militar.

KITANG-KITA KO – Dany Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …