SUGATAN si dating Pampanga representative Juan Miguel “Mikey” Arroyo makaraan maaksidente habang binabagtas ang FVR Megadike pa-puntang bayan ng Porac kahapon ng hapon.
Nasugatan si Arroyo sa ulo at nilapatan ng lunas sa Mother Teresa of Calcutta Hospital. .
Ayon sa ulat, si Pampanga Vice Gov. Dennis Pineda ang nagdala kay Arroyo sa ospital.Inilipat siya sa St. Luke’s Hospital.
Iniulat na namatay ang pulis na nakabangga ng anak ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsilbi ang batang Arroyo bilang kong-resista sa ikatlong distrito ng Pampanga mula 2004 hanggang 2010.