Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Coney Reyes, pinakapinaniniwalaang kontrabida

PANG-APAT na ang teleseryeng My Dear Heart na gaganap si Ms Coney Reyes bilang kontrabida. Nauna na ang 100 Days to Heaven (2011), Nathaniel (2015), at Ysabella (2007), kaya ang tanong sa batikang aktres ay hindi ba siya nagsasawa dahil halos iisa lang naman ang kuwento ng pagiging masama niya, iba-iba nga lang ang level.

Pabirong sabi ni Ms Coney, matagal na raw siyang humihingi ng sitcom, pero parating kontrabida ang inihahain sa kanya.

Ang kuwento ng aktres tungkol sa papel niya ngayon bilang doktora, “they explained naman to me (fully), I think when they do research, parang acceptable na kontrabida ako at believable na nagbabago. Sometimes daw they had a hard time to portray ‘yung ganoong role na magiging mabait na (ending), minsan hindi raw naniniwala ‘yung viewers. So according sa research lumalabas na naniniwala sila sa akin.

“And that’s why I’m honored kasi I also like  to portray the role, before kasi ayokong mag-kontrabida because I hear theGospel like that, but the thing is after I did ‘Ysabella’ when direk Rory Quintos explained to me the role, mas challenging at maraming magagawa ang kontrabida na magbabago, ‘di ba?

“Kasi ‘yung magbabago mismo, bad to good, there’s a transition, it can’t be also parang all of a sudden so may nuisances, mayoong lalim ‘yan, it has got to come deep, deep inside of you.  And you have to work at it also slowly with the directors, co-stars that are very important on the character of everybody.  Understand where your characters go, where’s the story/plot go. I have to understand where the story of the teleserye is going and kapag naintindihan ko ‘yun, okay na sa akin.”

Mataray si Ms Coney noon at hindi na ngayon dahil nga Christian na siya kaya naman tinanong siya kung hindi ba siya naiilang sa mga baguhang artista kasama niya sa My Dear Heart dahil nai-intimidate o takot sa kanya.

“Siguro, that’s give me a conscious effort to reach out to people. I don’t like them nga to get intimidated. I guess siguro dahil matanda na ako or matagal na ako sa industriya, siyempre medyo maiilang siguro sila, ‘yun siguro. May ilang ng kaunti. Pero kapag nakilala na nila ako, hindi naman,” paliwanag nito.

At naging emosyonal pang nagkuwento, “nakatutuwa kasi, it is such a blessing to work with these young actor, talagang gusto nila ‘yung ginagawa nila.  Kasi may mga bata na nakikita ko naman, hindi sineseryoso ang mga trabaho. Sayang ang mgapagkakataon na ibinibigay sa inyo ng Panginoon. At itong mga ito (co-stars), ang gagaling makisama hindi sila pa-star or anything like that. Sobrang mabubuti at mabubuti ang pagpapakaki ng mga magulang ninyo sa inyo.”

Samantala, itinanggi ni Ms Coney na may relasyon ang anak niyang si Vico Sotto kay Maine Mendoza at hindi rin daw totoong nanliligaw ang anak niya sa ka-loveteam ni Alden Richards.

May fans lang daw ang may gustong maging sina Vico at Maine, pero ang totoo, magkaibigan daw ang dalawa.

Mapapanood na ngayong gabi ang My Dear Heart sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano mula sa Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …