Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Tameme ang grupo ni Noynoy

NASA depensa ngayon ang tropa ni dating Pa-ngulong Noynoy Aquino. ‘Ika nga, naka-straight jacket ang grupong dilawan at hindi nila malaman kung kailan sila makapag-o-offensive sa usapin ng propaganda laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Masakit ang ulo ng grupong dilawan at malamang pinag-iisipan nila kung paano sasalagin ang mga isyung kanilang kakaharapin lalo na nga-yong malapit na ang anibersaryo ng Mendiola Massacre.

Kasado na ang isang malaking kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa pamumuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa darating na Linggo, 22 Enero, sa Mendiola Bridge para gunitain ang pagkakapaslang sa 13 demonstrador at pagkakasugat ng marami.

Pulis at militar ni dating pangulong Cory Aquino ang pumatay sa 13 demonstrador!

22 Enero 1987, naganap ang tinaguriang Mendiola Massacre sa ilalim ng pamahalaan ni Cory, at hanggang ngayon ay wala pa ring katarungang nakakamit ang mga biktima ng massacre na tanging hiling ay tunay na reporma sa lupa.

Kasunod ng Mendiola Massacre, ang tinaguriang Mamasapano Massacre 25 Enero 2015 nang maganap ang pananambang ng mga rebeldeng Muslim na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force.

Hanggang ngayon wala pa ring katarungang nakakamit ang mga naiwang mahal sa buhay ng SAF 44.  Sa darating na Miyerkoles, inaasahang magsasagawa ng kilos-protesta ang mga kaanak at tagasuporta ng SAF 44 para kondenahin si Noynoy dahil sa kawalang aksiyon.

Dalawang sunod na dagok sa grupo ni Noynoy ang naghihintay sa kanila sa darating na mga araw, at tiyak na hindi nila malaman nga-yon kung papaano sasalagin ang mga batikos sa gagawing pagkilos hinggil sa Mendiola at Mamasapano Massacre.

At dahil sa nakatakdang dalawang kilos-protesta, siguradong tameme ngayon sina Sen. Kiko “Sepulturero” Pangilinan, Sen. Risa “Bawang” Hontiveros, Sen. Frank “Porky” Drilon, Sen. Leila “Delimaw”  de Lima, Sen. Ralph “Evat” Recto at Sen. Bam “Ninoy kuno”  Aquino.

Tago muna ang mga dilawan at siyempre pa hindi muna sila magbibigay ng mga pahayag na may kaugnayan sa dalawang massacre na nangyari sa ilalim ng pamahalaan ng mag-inang  Cory at Noynoy.

Hanggang ngayon ay galit pa rin ang taongbayan na patuloy na naghahanap ng kataru-ngan at kasagutan mula sa dilawang grupo sa pamumuno ng lider nilang si Noynoy.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *