SA kabila ng mga isyung ibinabato kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte, gaya ng extrajudicial killings o EJK, ang kontrobersiyal na Marcos burial, ang pagbibitiw ni Vice President Leni Robredo bilang housing czar at ang pagpatay kay dating Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa, Sr., suportado pa rin siya ng taongbayan.
Base sa magkasunod na resulta ng survey ay nakakuha pa rin si Pangulong Duterte ng excellent rating.
Sa survey ng Pulse Asia sa huling bahagi ng 2016, na isinagawa noong Disyembre ay nakakuha si Pres. Digong ng 83 percent approval rating.
Ayon mismo sa Pulse Asia, nananatili ang pagkilala ng mas maraming Filipino sa mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na anim na buwan.
Isa sa mga isyung pumutok bago ang isinagawang survey ay imbestigasyon ng Senado at National Bureau of Investigation kaugnay ng pagpatay kay Mayor Espinosa. Binatikos ang administrasyon ni Pangulong Duterte sa mga nangyayaring EJK sa bansa, ngunit nanindigan pa rin si Pangulong Digong na walang kinalaman ang gobyerno sa extrajudicial killings na nangyayari at alam naman natin na hindi ito kukunsintihin ni Pangulong Digong.
Alam natin na maraming local government units ang sumusuporta kay Pangulong Duterte.
Kaya, Stop na kayo mga kritiko!
***
Naging matagumpay ang ginanap na Shootfest ng Bureau of Customs.
Binabati ko ang Customs Law Enforcement Shooting Club sa pangunguna ni Atty. Edward Ibera na napakasipag at ang buong officers nito.
Dumalo ang magagaling na International shooters at siyempre nandiyan ang magaling na si Port of Subic Coll. Mimel Talusan.
Dumating si Comm. Nick Faeldon at Gen. Natalio Ecarma at ibang district collectors na sina Coll. Rey Galleno ng Batangas, Coll. Jet Maronilla ng MICP, Coll. Jamail Marohomsalic ng Davao at iba pa.
Congrats sa inyong lahat!
PAREHAS – Jimmy Salgado