SA ginanap na presscon ng Foolish Love ay natanong si Jake Cuenca kung paano niya inalalayan si Angeline Quinto sa kissing at love scene nila considering na first timer ang kapareha.
“Nadagdagan po ‘yung responsibilidad ko, kasi it’s not the first time na nasabihan akong first time nila (ex-leading ladies) na magkaroon ng kissing scene.
“’Yung sa amin po ni Angeline, ganoon kabigat ‘yung weight ng eksena na hindi puwedeng dayain na kailangang gawin sa maraming anggulo, not because maraming mali kundi dahil kailangan sa iba-iba’t anggulo.
“Dumagdag ‘yung responsibilidad, pero I took that responsibility in a gentleman manner and aside from being a gentleman, ‘pag may tinanggap akong proyekto, baby ko ito.
“Kaya hinawakan ko ang mga kamay ni Angeline at sinabi ko, don’t worry, you’re safe with me and bukod sa inisip ko ang sarili ko, inilagay ko si Angge sa pedestal sa buong pelikula,” paliwanag ni Jake.
Natanong din ni Jake kung ano natutuhan niya kay Angeline bilang first timer kung ikukompara sa kanya na bihasa na pagdating sa pag-ibig.
“Actually, isang nakuha ko kay Angeline sa proseso ng movie, siguro mas naging grounded ako kasi ‘yung last girlfriend ko hindi taga-rito so medyo naging foreign ang pag-iisip ko na wala namang mali roon.
“Working Angeline in the set was reminded me in my roots, kung saan ako nagsimula. So, parang iyon ang magandang bagay na na-experience ko sa pakikipagtrabaho ko kay Angeline.
“Music palang na pinapatugtog niya, OPM (Original Pilipino Music), hindi ako masyadong mahilig, pero noong nakatrabaho ko siya, in a way, na-remind ako to keep myself grounded kung saan ako nanggaling,” kuwento ng aktor.
Sa tanong kung balik Pinay na ulit ang bago niyang iibigin.
“Wala akong specific type, kung magustuhan ko, gusto ko talaga, so walang specific type,” katwiran ni Jake.
At ang unforgettable scenes na hindi makalilimutan ng aktor sa Foolish Love.
“Siyempre ‘yung love scene, kasi bukod sa pressure, hindi mo puwedeng i-describe kasi malaking parte ng movie ‘yun. Nakikita n’yo ‘yung trailer niyong movie na rom-com, pero it’s more on complicated, stricken kasi aside from it being her first love scene, nandoon ‘yung pag-alalay. Kailangan maging passionate sa isa’t isa, tapos mayroon pang circumstance na nangyari afterwards.
“Kaya noong binasa, napaka-komplikadong eksena, pero ang maganda noong nagawa namin ‘yung eksena, nakaka-satisfy kasi nagawa namin at nakamit namin ‘yung objective kung ano ‘yung nangyari.
“Sa rami kasi ng nagawa kong teleserye at pelikulang nagawa ko, rito sa ‘Foolish Love’ lang ako nakagawa ng ganoong eksena kaya hindi ko makalilimutan. Feeling ko kapag napanood n’yo rin ‘yung eksena at ‘yung ending, hinding-hindi n’yo rin makalilimutan,” mahabang sabi ng aktor.
Kaya na-curious tuloy ang invited entertainment press kung ano ang sinasabi ni Jake na eksena na hindi niya makalilimutan.
Mapapanood na ang Foolish Heart sa Enero 25 produced ng Regal Entertainmentat idinirehe naman ni Joel Lamangan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan