Monday , December 23 2024

Manalig ka nakagawa ng Upset

NAKAGAWA nang malaking upset win ang kalahok ni Ginoong Hermie Esguerra na si Manalig Ka na nirendahan ni Mart Gonzales sa naganap na 2017 “PHILRACOM Commissioner’s Cup” nung isang hapon sa pista ng San Lazaro.

Sa largahan ay agad na kinuha mula sa labas ng kabayong si Skyway ni Apoy Asuncion ang harapan, na sinundan naman ni Low Profile ni Mark Alvarez at Kanlaon ni Val Dilema. Pagdating sa unang likuan ay bandera pa rin si Skyway ng may dalawang kabayong agwat sa unahan at pilit naman na nilalapitan ni Low Profile kasunod si Kanlaon, habang nasa kuwarto puwesto na may panibagong apat na kabayong layo sina Dixie Gold ni Oniel Cortez, Court Of Honour ni John Alvin Guce, Hot And Spicy ni Deo Fernandez, Manalig Ka at nasa hulihan si Silhouette ni Unoh Hernandez. Sa medya milya (800 meters) ay bahagyang umiktad ng may apat na kabayong agwat si Skyway laban kay Low Profile at medyo bumibitaw naman sa ikatlong posisyon si Kanlaon papalapit sina Dixie Gold kasama si Court Of Honour.

Papasok sa ulitmo kuwartos (400 meters) ay nasa harapan pa rin si Skyway at malakas na papadikit na si Low Profile sa lakas ng ayuda ni Mark, kasunod ang ibang mga kalaban na rumeremate na rin sa likuran nilang dalawa. Sa huling kurbada ay medyo nakaramdam na ni Skyway ang pagod dahil ibang gising na ang ginagawa sa kanya ni Apoy kasunod ang mga kalaban na malalakas ang sugod, kaya naman sa parteng iyon habang lumiliko ay ramdam na rin na magkakaroon ng labanan pagdating sa huling diretsahan.

Pagkapaling sa rektahan ay medyo umusad pa ang pagod ng si Skyway laban kay Low Profile, pero naging maagap si Mark sa gawing labas dahil ramdam na niya ang ibang galaw ng kalaban na nasa unahan niya. Subalit biglaang lumusot sa gawing gitna ng mga rumeremate ang kalahok na si Manalig Ka na walang humpay naman na inaayudahan na rin ni Mart.

Sa huling 200 metro ng laban ay biglang umungos ang nasa loob na si Manalig Ka dahil medyo naging paangat o pabuka ang takbo ni Skyway laban kay Low Profile. Pagpasok sa huling 100 metro ng laban ay nakalusot na si Low Profile laban kay Skyway at naging mahigpitan na ang laban nung nakalusot sa loob na si Manalig Ka. Subalit sa pagkakaantala ni Mark sa huling kurbada ay huli na ang lahat nung makarekober sila ni Low Profile sa nagawang pagkakasingit ng dehadong si Manalig Ka.

Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng 1:51.8 (10-23-24′-25′-28′) para sa distansiyang 1,750 meters.

Sa pakarera ngayong gabi sa pista ng Metro Turf ay may nakalaan na halagang P694,974.66 bilang carry over sa kanilang Winner Take All (WTA) na magsisimula sa Race 2 .

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:30PM):

Race-1 : (4) Song Of Songs, (1) Heiress Of Hope.

Race-2 : (7) She’s So Small, (4) Now And Forever, (5) Unlimited Song.

Race-3 : (3) Indian Warrior, (1) Raxa Bago, (7) Gold Digger.

Race-4 : (3) Girl On Fire, (4) Aliman, (6) Woodridge.

Race-5 : (2) Satin Lace, (1) Rianna, (4) Blu Pet/ILoveHenry.

Race-6 : (5) Azarenka, (1) Si Rookie/Formidable Foe, (3) Mr. Maklin.

Race-7 : (5) Mid Summer Night, (1) Okanemutzu, (4) Ranagant.

Race-8 : (7) Corazon, (4) Pebble Beach, (6) Kulimlim.

REKTA – Fred L. Magno

About Fred Magno

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *