Friday , December 27 2024

Bryan, sobrang simpleng tao lang, ‘di rin mahilig sa fancy cars

GUESTING lang noong una ang ginagawa ni Bryan Termulo kapag may provincial tour ang Megasoft Hygienic Products para sa promo ng mga produkto bukod pa sa pagbibigay niya ng payo sa mga estudyante.

Nagustuhan si Bryan ng may-ari ng Megasoft kaya kinuha na siyang ambassador at para sa advocacy na School is Cool Tour 2017.

Kaya naman labis ang tuwa ng binatang singer dahil maganda ang pasok ng 2017 sa kanya. Wala kasing regular show ngayon si Bryan maliban sa Salamat Docbilang TV host, hindi bilang singer.

Kuwento ng binata, ”so, hindi man ako active sa mga show o pagkanta ng teleserye now, may iba naman akong ginagawa, plus the fact na I have 5 minutes segment sa ‘Salamat Doc’ every Saturday and Sunday.

“Aangal pa ba ako niyon, eh, limang minuto ‘yung ibinigay sa akin ng show at solo ko lang, unlike sa ibang program, segundo lang ang exposure mo. Kaya nga thankful ako sa lahat ng nangyayari sa akin kasi may bago akong career, TV host na rin.”

Bilang ambassador ng Megasoft Hygienic Product ang trabaho ni Bryan ay, ”I am representing Megasoft kasi may advocacy sila to promote the education at ako ‘yung magbibigay ng talk, testimonials para sa mga bata na lahat sila may mga hugot o pinagdaraanan.

“Gusto kong i-share sa kanila na napagdaanan ko lahat ‘yan noong nag-aaral pa ako, kaya papayuhan ko sila na take it easy. Nandoon kami to entertain and the same time, to give testimonials sa students.”

Noong bagong lipat si Bryan sa ABS-CBN ay kaliwa’t kanan ang pagkanta niya ng teleserye at kinuha rin siyang artista tulad sa Dream Dad, Budoy, at Huwag Ka Lang Mawawala kaya ‘yung pangarap niyang mag-showbiz ay natupad na.

At dahil marami na ring singers na bago at sa kanila na ibinibigay ang pagkanta ng mga theme song ng teleserye ay nabakante si Bryan at hindi naman niya dinamdam iyon bagkus ay tinapos niya ang pag-aaral niya.

Nagtapos sa kursong Mass Communication sa Trinity University of Asia at nitong Disyembre lang ay natapos niya ang supplementary education at plano niyang mag-board exam ngayong 2017 para makapagturo siya sa high school o elementarya.

“Usually daw kapag nag-take ka ng supplementary sa English or social sciences at makapasa ako sa board exam, hopefully makapagturo ako ng history subject. So, singer and historian, puwede?” sabi ng binata.

Loveless at wala pang planong mag-asawa si Bryan dahil gusto muna niyang makapag-ipon para sa future niya dahil lahat ng kinita niya nitong nakaraan ay ipinagpagawa niya ng bahay nila sa Bulacan na roon nakatira ang magulang niya.

“Retired na po pareho ang parents ko at kaming magkakapatid na lang ang sumusuporta sa kanila. Kami ang nagsabing tumigil na sila at mag-stay na lang sa bahay kasi kaya naman namin na,” saad niya.

Napansing malinis literally at figuratively si Bryan, pati sa pananalita ay maayos at walang kalokohang mararamdaman kaya tinanong namin kung bakit ganoon siya.

“Pinalaki kami ng magulang namin in a Christian way na kapag 6 in the evening, dapat nasa bahay na kami or else, susunduin kami ng mama ko at tsitsinelasin kami sa harap ng mga kalaro.

“During high school naman po, walking distance lang sa bahay kaya no way para makapunta kung saan-saan.

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba ng bar at club? Hindi kasi ako mahilig lumabas o mag bar o clubbing na tinatawag, mas gusto kong mag-stay sa bahay na lang.

“Hindi rin ako mahilig sa branded, well dati, pero naisip ko, this is not a wise investment.

“”Yung car ko, basic lang. Hindi ako mahilig sa mga fancy cars, in 10 years, nakaka-dalawang sasakyan pa lang ako. Sobrang simple lang akong tao,” katwiran ni Bryan.

At wala rin siyang bisyo, ”I don’t smoke, I don’t drink, well occasionally, depende pa. More on bahay kasi ako talaga lang, nanonood.”

Pero ang pagsisiguro ni Bryan, ”pagsapit ko po ng 30 years old, mag-aasawa na po ako kasi feeling ko it’s the right time for me para naman makalaro ko pa ang magiging anak ko kaysa naman ‘yung matanda na ako mag-aasawa baka hindi ko na sila masamahan.”

Dagdag pa, ”kaya next time na mai-interview mo ako, may iba ka nang masusulat.”

FACT SHEET – Regge Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *