Friday , November 22 2024

Palanca awardee Yvette Tan, takot sa tao, kaya mas gustong magsulat kaysa magdirehe

KILALANG writer, blogger, at Palanca awardee si Yvette Tan na sumulat ng Ilawod, ang horror film na idinirehe ni Dan Villegas na produced ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions.

Gaganap na mag-asawa sina Ian Veneracion at Iza Calzado at anak naman nila si Harvey Bautista. Kasama rin sina Epi Quizon, Therese Malvar, at Xyriel Manabat.

Kuwento ng scriptwriter na si Yvette, “ang ‘Ilawod’ ay tungkol sa isang family, si Ian po, writer tapos ‘yung beat niya mga weird news like sapi (sinapian), mga nanganak ng kambing. May isang assignment siyang sinapian without knowing na sinundan siya sa bahay nila, and that’s Ilawod.

“Ilawod means downstream so opposite siya ng Ilaya upstreams. Iba-iba po ang meaning ng Ilawod, but they all have to do with waters and distance. What I understand is, Ilawod-malayang tubig.”

Matatakutin simula noong bata pa si Yvette pero sa hindi niya malamang dahilan ay pawang horror ang isinusulat niyang libro.

“Itong movie hindi siya gulatan, pero nakatatakot talaga,” sabi ni Yvette.

Tinanong namin kung bakit mahilig siya sa katatakutan, eh, matatakutin pala siya.

“Hindi ko alam, ang daming nagtatanong, pero hindi ko po alam ang sagot. Noong bata ako, super duwag at uto-uto,” natatawang sabi ng dalaga.

Paniwala nga namin ay baka sinunod nito ang kasabihang, ‘face your fear’ kaya nae-enjoy niya ang kakatakutang kuwento, “I guess. I just want to write what I want to write. Tapos sinabi ng friend ko rati na horror nga raw ang mga isinusulat ko na hindi ko pa masyadong alam noon.”

Hindi raw natatakot si Yvette sa mga isinusulat niyang nakakatakot, pero mahilig siyang magbasa ng mga librong nakakatakot at natatakot naman daw siya.

“Natatakot po ako kaya ayokong naiiwang mag-isa,” sambit ng dalaga.

May experience na raw si Yvette, “hindi ko pa nagagamit ang experience ko sa mga isinusulat ko. Noong bata ako, duwag ako at uto-uto, kasi growing up, nakatira kami sa may Sta. Mesa at dahil bata, mahilig kaming tumambay sa kuwarto ng parents namin, tapos every night may kakatok.

“Bilang bata, bubuksan ko ‘yung pinto, wala namang tao, sabi ko, ‘mom dad, there’s no one there’ so siyempre, mom and dad ko, alam nila kung ano ‘yun. Ako wala akong alam.

“Sabi ng nanay ko, ‘ah that’s just the wind, tell to go away not to bother us, sabi ko naman, ‘o wind, don’t bother us.’

“Noong lumipat kami, roon ko lang na-realize na hindi naman kumakatok sa pinto ang hangin, ah, multo pala iyon, buti na lang hindi ko alam na minumulto na pala kami roon. On that house, forever akong may nightmares, parati kaming takot, pero hindi namin alam kung bakit,” kuwento ni Yvette.

Tinanong namin kung naniniwala siyang may white lady, “yes, naniniwala akong may mga things tayong hindi nakikita. Naniniwala ako sa mga element. May nagbiro na sa akin kaya naniniwala ako.

“Sa Romblon, nakitulog ako sa friends house, so nakatalukbong akong matulog tapos nagbabasa. May nararamdaman akong nagdi-drift na parang nasa ilalim ako ng aircon, pero walang aircon sa bahay at hindi rin umuulan at dahil doon, hindi ako natulog buong gabi. Nakatapos ako ng dalawang libro sa cellphone ko. Super duwag talaga ako,” pagkukuwento ni Yvette.

May isa pang eksperyensiya si Yvette na pakiramdam niya ay nakulam siya sa Siquijor dahil bumili siya ng tubig sa mag-ina na binalaan na pala siya bago siya tumulak sa nasabing bayan na mag-iingat kapag may nasalubong na mag-ina.

“Siguro hindi kulam, nabati ako. Naisip ko naman, hindi naman ako aalis ng resort, bakit ako mag-iingat sa mag-ina?

“So natapos ang bakasyon, pagbalik ko ng Maynila, hindi ako makapag-type, suma-sideway ‘yung kamay ko ng ganito, parang extreme muscle spasm, inisip ko baka kasama sa sakit ko kasi I have muscularism. I have trouble in climbing steps, I have trouble running, kaya kapag nagkaroon ng apocalypse, ako ang unang-unang mamamatay, tanggap ko na iyon,” natatawang sabi ng writer ng Ilawod.

“Kaya napaisip ako noong nasa Siquijor ako na may nakita nga akong mag-ina na noong bumili ako ng tubig, so parang binati ako. Tapos pinag-pray over ako ng friend ko, so far nawala na up to this day,” sabi ni Yvette.

Sa tanong namin kung may mga nakikita siyang naglalakad sa hangin o nakakasalubong tapos tatayuan siya ng balahibo, “so far wala pa,” sambit ng dalaga.

At ang paboritong film ni Yvette ay ang The Others at ang Yanggaw.

Kung bibigyan daw ng tsansa si Yvette ay gusto niyang makapagsulat ng seryeng nakatatakot sa telebisyon.

Bagamat Film and Audio Visual Communication ang natapos ni Yvette sa UP ay hindi naman daw niya pinangarap magdirehe.

“Ayokong maging direktor, ‘yun ang na-realize ko sa film school na pagpasok mo siyempre direktor kaagad. Kasi takot ako sa tao, mas gusto kong magsulat. Kaya ‘yung ginagawa ni Dan, saludo ako, hindi ko ‘yun kaya,” pagtatapat ng ka-tandem ni direk Dan sa Ilawod.

Hindi rin nahiyang aminin ni Yvette na kaya napasok sa Ilawod si Ian ay dahil childhood crush niya simula pa noong Joey and Son na programa nila ni Joey de Leon.

Kaya excited si Yvette sa Enero 18 dahil huhusgahan ang pelikula nila ni direk Dan na sobrang nalampasan daw ng direktor ang vision niya sa pelikula.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *