Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, sobrang natuwa sa pa-block screening ni Sylvia ng VKJ; lalim ng arte, pinuri

BILANG lola ni Joshua Garcia si Sylvia Sanchez sa The Greatest Love, binigyan niya ng eksklusibong block screening ang pelikulang Vince & Kath & James sa Director’s Club Fashion Mall, SM Megamall noong Linggo, Enero 8.

Pawang pamilya at ilang malalapit na kaibigan in and out showbiz ang inimbita ni Ibyang para sa block screening at present din ang isa sa anak niya sa TGL na si Matt Evans na paborito rin ng aktres dahil malambing din ito sa kanya.

Kung ihahambing sa totoong kuwento ng mag-lola, lahat gagawin ng aguela ang ikasisiya ng apo.

Ang dahilan ni Lola Gloria ng The Greatest Love, “bago kasi kami umalis for London, nagsabi si Josh ng, ‘Mommy La (lola, at tawag niya kay Ibyang sa ‘TGL’), ‘pag nanood kayo ng Vince & Kath & James na pamilya, sama n’yo ako ha? Kasi gusto ko marinig ang comment mo, gusto ko malaman ano masasabi mo.’

“Tapos noong December 24, pinapunta ko siya sa bahay kasi nag-iisa lang siya sa bahay niya, wala raw siyang kasama, kaya sabi ko, rito ka na mag-Pasko sa amin at dumating naman siya.

“Alam mo ‘yan Reggee, ‘pag mahal ko ang tao, mahal ko hanggang sa dulo, ipaglalaban ko ‘yan.

“Si Josh, apo ko na ‘yan, lahat ng naging apo ko sa mga teleserye ko, simula kay Choc (JM Ibanez), Ningning (Jana Agoncillo), Marco Masa (Super D). Lahat sila mahal ko, itinuring ko ng apo, si Josh ang panganay sa lahat.”

At nang magkita ang mag-lola noong Sabado sa taping ng The Greatest Love ay naglambing si Josh sa mommy lola niya ng pasalubong.

“Sabi ko, maghintay ka, magugustuhan mo pasalubong ko, at iyon nga, nagulat siya na nagpa-block screening ako, nakita ko ‘yung saya niya, sobra, nakatutuwa talaga si Josh.

“Sobrang malapit siya sa akin kasi siguro lumaking wala sa piling ng nanay niya kasi lola at tiyuhing pari ang nagpalaki, siguro naghahanap siya ng nanay. Maraming ikinukuwento ‘yan, sobrang lambing ng batang ‘yan. Wala namang problema sa mga anak ko kasi gustong-gusto siya,” kuwento ni Ibyang.

Sobrang saya ni Josh nang purihin siya ng lahat pagkatapos mapanood ang pelikula at niyakap niya ng sobrang higpit ang Mommy La niya at sabay bulong ng, “my la, sa taping mo na lang ikuwento kung anong comment mo.”

Puring-puri naman ni Ibyang si Josh, “malalim siyang umarte, marunong talaga ‘yung bata, kailangan lang ayusin ‘yung bitaw niya ng dialogue kasi nahahawig nga kay John Lloyd (Cruz), kaya siguro sinabihan niyang ‘next John Lloyd Cruz.’ Sabi ko nga kay Josh, mag-usap kami sa taping na lang (TGL).”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …