Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mang Kepweng ni Vhong, kumikita, paglabas ni Chiquito, hinangaan

ITO kami mismo ang witness, kasi pinanood namin sa regular screening iyong Mang Kapweng Returns ni Vhong Navarro Roon sa Trinoma sa kanilang second day. Hindi namin masasabing puno, pero siguro mga 90% ng sinehan ang may tao. Bihira na kaming makakita ng ganyan karaming tao sa loob ng sinehan, maliban kung may blocked screening lang.

Noong matapos na ang palabas, habang lumalabas pa ang closing credits, nagulat kami nang biglang buksan na ng sinehan ang ilaw, tapos nandoon pala si Vhong Navarro mismo na nagpasalamat sa lahat ng mga nanood. Natural nagsigawan na ang mga tao sa loob ng sinehan. Pero mabilis naman ang kanilang security, nailabas siya agad bago magkaroon ng stampede.

Nagtatawanan ang mga tao sa kabuuan ng pelikula, at dinig na dinig mo ang kanilang reaksiyon nang lumabas ang original na Mang Kepweng. Hindi sinabing si Chiquito iyon, pero kamukha talaga niya ang computer graphics na kausap ni Vhong. Natural lang na iyong mga umabot pa sa panahon ni Chiquito ay matuwa dahil kahit na sa computer graphics ay nakita nila ang isang comedy legend.

Kumikita ang pelikula at palagay namin kikita pa iyon. Iyang ganyang klase ng pelikula ang sinasabi nilang lalong lumalakas eh, kasi pinag-uusapan ng mga nakapanood. Hindi kagaya niyong mga pelikulang napanood nitong mga nakaraang araw na pinag-uusapan din, pero ang usapan ay nagsisisi sila at pinanood pa nila.

Pero okey din na hindi nakasali iyang Mang Kepweng sa festival. Kasi iyong festival sa simula pa lang hinulaan na naman talagang magiging flop. Kasi ang mga pelikula nila ay tinipid, mga indie nga eh. Eh iyong Mang Kepweng, halata mong ginastusan iyong computer graphics. Malalaking artista ang nasa cast ng pelikula. Halata mong may puhunan. Hindi mo matatawag na indie iyan. Kasi “indie naman binarat ang pagkakagawa ng pelikula. Indie rin binarat ang mga artista”.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …