Monday , December 23 2024

68 artists ng Cornerstone, winner sa mga proyekto

MASUWERTE ang taong 2016 para sa Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo dahil pawang kumita lahat ang shows/concert na ipinodyus ng Cornerstone Concerts at lahat halos ng talents ng CS ay successful ang career.

Ang highlights ng Cornerstone ng 2016 ay ang mga sumusunod.

Ang sold-out concert ni Karla Estrada na ginanap sa KIA Theater noong Abril 30 na may titulong, Queen Mother in Concert.

Sinundan ng R&R (Richard Poon & Richard Yap) show na Chinito Crooners A Salute To Classic Love Songs (Agosto 26) sa The Theater, Solaire; Divas Live In Manila sa Smart Aranera Coliseum (Nobyembre 11) nina Kyla, KZ Tandingan, Angeline Quinto, at Yeng Constantino; 15th anniversary tribute concert para sa composer, record producer and hitmaker Jonathan Manalo na may titulongKINSE sa Music Museum noong Disyembre 3.

Winner din ang first musical theater project ng Cornerstone na Ako Si Josephine: The Music of Yeng Constantino katuwang PETA at ABSCBN Events na ginanap sa PETA Theater na nagsimula noong Setyembre 8 hanggang Oktubre 9.

Ang Cornerstone rin ang may hawak ng Cosmetique Asia’s anniversary concert para sa taunang Search for Ms. Silka at ang Sunlife Christmas Concert.

Ang Cornerstone Concert ang humawak din ng launching ng album ni Rayver Cruz na may titulong What You Want na ginanap sa URBN noong Mayo 20 at humawak din ng publicity at TV promo.

Nakamit naman ni Daryl Ong ang Best Performance by a New Male Recording Artist para sa awiting Mabuti Pa sa nakaraang 29th Awit Awards.

Hindi naman nagpahuli si Thor Dulay  bilang Best Performance by a Male Recording Artist sa awiting Paano ko Sasabihin  sa 29th Awit Awards.

Mas lalong naging in-demand sa shows sa labas ng bansa simula noong maging hurado sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime sina Kyla Erik Santos, K Brosas, Jaya, at Yeng Constanino at masasabing may K talaga silang lahat bilang hurado.

Si Yeng ang pinakamaraming achievement among the Cornerstone talents dahil naka-Double Platinum album (All About Love with smash hit Ikaw with almost 50 million views on YouTube making her the #1 YouTube Goldplay Awardee in the Philippines awarded by Star Music).

At kumita pa ang 10th anniversary musical na Ako Si Josephine, Tawag Ng Tanghalan’s punong Hurado, isa rin sa mentor ng We Love OPM at naging hurado rin sa katatapos na Pinoy Boyband Superstar bukod pa sa full house ang nakaraang Divas Live in Manila.

Ngayong 2016 ay nadagdag bilang talent ng Corncerstone sina Jaya, kasabay ng pagiging Kapamilya, ay pumirma na rin ng recording contract sa Star Music at nakatakdang mag-record ng album mid 2017. Ilang beses ding naimbitahang mag-show sa ibang bansa via TFC at RNG.

Masuwerte rin ang 2016 kay Kyla dahil siya ang kumanta ng theme song ng Till I Met You na teleseryeng umeere ngayon mula sa Dreamscape Entertainment.

Napasama sa grupong  ASAP Soul Sessions, Divas Live In Manila at nagging 1st runner-up sa Himig Handog na may titulong Monumento.

Katulad ni Jaya ay under Star Music na rin at gagawa ng album sa 1st quarter ng 2017.

Nakatutuwa si KZ dahil natupad ang pangarap niyang mag-concert sa Araneta Coliseum na natupad sa pamamagitan ng Divas Live In Manila.

Naka-3rd runner-up sa nakaraang Himig Handog para sa awiting Laban Pa. Isa sa mentor ng We Love OPM sa grand finals. At nakapag-record ng kanta at nag-shoot ng music videos sa Singapore para sa next album niya mula sa Star Music at siya rin ang kumanta ng theme song ng FPJ’s Ang Probinsyano na may titulong ‘Wag Ka Nang Umiyak.

Ang tambalang Erik at Angeline ay nagkaroon din ng sold-out concert na Royalsna ginanap sa SM MOA noong Pebrero 13 with special guests Martin Nievera atRegine Velasquez.

Ang Broadway star na si Rachelle Ann Go ay kasalukuyang nasa New York City para sa Miss Saigon Broadway na mapapanood ngayong 2017. Katatapos lang niya sa London.

Taong 2016 din inilabas ang debut album ni Inigo Pascual na may titulong Dahil Sa ‘Yo na hit sa radio stations.

At ang tatlong blockbuster directors na mina-manage rin ng CS ay successful din sa kani-kanilang teleserye at pelikula tulad nina Direk Tonet Jadaone (Till I Met You); Direk Irene Villamor (Camp Sawi- blockbuster), at Bb. Joyce Bernal (The Super Parental Guardians).

Magenta rin ang career ni Gretchen Ho bilang isa sa TV host ng Umagang Kay Ganda at TV Patroller.

At ang original at pioneer talent ng Cornerstone na si Sam Milby ay sobrang abala sa teleseryeng Doble Kara na umabot na sa mahigit isang taon at highest rating saKapamilya Gold at gagawa ng album mula sa Star Music sa pagtatapos ng serye sa 1st quarter ng 2017.

Samantala, ang bagong talents ng Cornerstone tulad nina Gil Cuerva ay mapapanood na sa bagong teleserye ng GMA 7 na My Love From The Starbilang leading man ni Jennylyn Mercado.

Kasama naman sa seryeng My Dear Heart ang hindi pinalad na makapasok saBoyBand PH na si Mark Oblea. Pero hindi pa rin daw iiwan ng binata ang pagkanta.

Suwerte rin nina Nicco Manalo at Via Antonio dahil sila ang bestfriends nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na mapapanood na ngayong 2017.

Umaabot na raw sa 68 ang artists ng Cornerstone Talent Management.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *