Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian Bables, pinagdududahang bading dahil sa husay sa Die Beautiful

GUMAGANAP na isang transgender ang newcomer na si Christian Bables sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Die Beautiful. Sa unang movie niya na I Love You To Death, bading din ang role ni Christian. Pero wala raw kaso sa kanya kung na mag-isip ang ibang manonood na bading siya talaga. Sa halip, flattering daw ito para sa kanya.

“Hindi po, kumbaga parang for me po it’s actually flattering. Kasi, nakakatuwa kung paano yung response po ng tao sa akin, sa pinaghirapan ko as an actor. Kasi, inaral ko po ito and nakakatuwa na at some point, believable yung ginawa ko and naging ayun nga po, sabi ng mga nakapanood, effective po.

“As an actor, nakakaflatter yun, kasi ibig sabihin ay nagbunga yung pinaghirapan mo. So, maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Christian nang amin siyang makapanayam.

Ano ang reaction mo na marami ang mga pumupuri sa galing mo rito sa Die Beautiful? “Siyempre po, sobrang overwhelmed. Natutuwa po ako sa mga nababasa ko from the social media world. Actually hindi ko po ine-expect, kasi ako, ginawa ko lang naman po ang job ko as actor. Pero, wala po akong ine-expect na ganito. So, para po akong nagugulat pa sa ngayon. Pero, natutuwa po ako na naa-appreciate ng mga tao iyong hardwork namin ni Paolo.”

Pahabol pa ni Christian, “Kaya po mas lalo ko pa pong gustong mag-aral pa ng mag-aral pa ng acting. Para sa susunod ay magawa ko ulit iyong best ko. Kasi iyon nga, I’m only just as good as my last work, kaya more hard work for me.”

Ano ang masasabi mo kina Direk Jun at Paolo? “As a director sobrang galing niya, makikita naman po yun sa movie kung gaano kaganda yung buong pelikula, na siya yung captain of the ship kumbaga. At bilang director, hinayaan niya akong maging ako eh, hinayaan niya akong i-play yung character base sa point of view ko as an actor, base sa pinagaralan ko as an actor.

“So, sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Lahat ng opportunity ng pag-aalaga, ginawa ni Direk Jun kaya naging maganda rin yung kinalabasan ng project na ito dahil sa kanya, napakahusay niya.

“Kay Paolo naman, bilang co-actor ko sa pelikulang ito, unang-una sa lahat, Paolo is a very good person, napakabuti niyang tao kaya siya blessed. Now I understand kung bakit napaka-blessed niyang tao. Bilang ka-work, siyempre po ako, wala pang pangalan, baguhan lang akong actor, tapos ang role ko ay bestfriend niya… So masasabi ko lang, hindi ako nahirapang kumonek sa kanya, hindi ako nahirapang mag-build ng rapport sa kanya dahil siya mismo pinaramdam niya sa akin na hindi ako left out dahil baguhan ako. Wala siyang ere, hindi mo mararamdaman na, ‘Ah, big star na ito, siya na pala si Paulo.’ Kasi ,hindi niya ipaparamdam iyon sa iyo.

“Sobrang saya niyang kasama, no dull moment. Napakahusay din na aktor kaya hindi rin ako nahirapan na humugot sa kanya, hindi rin ako nahirapan na kumonek sa kanya kumbaga. So hayun, sobrang saludo ako kay Paolo at kay Direk Jun. Napakasuwerte ko po na sila yung naging katrabaho ko sa pelikulang ito, sobrang saya ng puso ko.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …