Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BI offcials isalang sa lifestyle check

DAPAT talagang isalang lahat ng opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa lifestyle check makaraang mabuking ang P50-million bribery na kinasasangkutan ng dalawang Immigration Associate Commissioner na sina Atty. Robles at Atty. Argosino.

Pero hindi pa riyan dapat nagtatapos, dapat isama rin sa imbestigasyon ang intel offi-cers at agents pati ACO officials.

Matagal nang nangyayari riyan ang ganyang kalakaran.

Napapanahon ang gagawing lifestyle check ng NBI ngayon sa ilang Immigration officials na nagtamasa noon pang administrasyon ni Fred Mison!

Laglag na kayo!

***

Isa sa dapat imbestigahan ng NBI ang isang alyas JAY-R TOLENTINO na sinasabing number 1 smuggler ngayon sa pier.

Milyones  kung magpatalo sa  mga sabu-ngan.

Special kung tawagin ang mga kargamento niya na misdeclaration at pinalulusot sa customs.

Expert sa ‘palundag’ ng import entry.

Dapat rin itong busisiin ng BIR kung nagbabayad ba ng tamang buwis sa gobyerno.

Sa dami ng property, mamahaling sasakyan at alahas ay dapat lang silang magbayad nang tamang buwis!

Kalusin na si Jay R Tolentino!!!

***

Kahanga-hanga talaga ang magagandang ginagawa ng Gabinete ni Pangulong Rody Duterte sa ekonomiya ng ating bansa.

Napakasipag rin ni Sec. Bong Go na laging nakaagapay sa Pangulo sa lahat ng ginagawa niya kaya napakaraming humahanga sa kanila.

Keep up the good work mga sirs!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …