Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tukuyin ang 5,000 barangay chairman na dawit sa droga

DAPAT lang na tukuyin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung sino-sino ang mga barangay chairman na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.  Magiging unfair ito sa mga naunang personalidad na pinangalanan ni Digong kung hindi niya ilalantad sa publiko ang kanyang tinawag na third and final drug list.

Nakababahala ang nasabing listahan dahil sinasabing umaabot sa 5,000 kapitan ng barangay ang idinadawit sa droga, mapa-user o pusher man.  Kung hindi ito aaksiyonan kaagad malamang na magpatuloy ang kanilang pagiging drug user o protector ng drug pusher at adik.

Kung nagawang pangalanan ni Digong ang mga heneral na sangkot sa ilegal na droga bakit hindi niya pangalanan ang mga barangay kapitan na sangkot din dito? Halos ilang buwan nang hawak ni Digong ang nasabing third and final drug list kaya nga’t nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito maisapubliko.

Hindi katuwiran ang sinasabi ni Digong na baka magkaroon ng patayan kung kanyang ihahayag ang pangalan ng mga barangay ka-pitan nang hindi nabeberepikang mabuti ang kanilang koneksiyon sa ilegal na droga.

Kung tutuusin, alam na naman talaga  ng mga mamamayan sa bawat komunidad kung sino ang barangay chairman na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.  Bukod sa mga ka-pitan ng barangay, kilala rin nila kung sino-sino pang kagawad at tanod ang gumagamit, pusher o protector ng droga sa kanilang lugar.

Kaya nga, kumpirmasyon na lang ang gagawin ni Digong sakaling babasahin niya sa publiko ang mga kilalang adik at protektor ng droga na mga kapitan ng barangay.  Akala ko ba matapang si Digong, e, bakit hindi pa niya pa-ngalanan ang mga barangay chairman na sangkot sa droga?

Dito lang sa Quezon City, talamak pa rin ang ipinagbabawal na gamot at nakapagtatakang walang aksiyong ginagawa rito ang mga barangay chairman.  Hindi natin inaakusahang may kaugnayan sa droga ang mga barangay chairman pero nakapagtataka kung bakit talamak pa rin ang ipinagbabawal na gamot sa lugar na kanilang nasasakupan.

Halimbawa na lang sa barangay Baesa, QC, bakit may nabibili pa ring droga sa mga depressed areas doon?  Sa barangay Bahay Toro at sa barangay Tandang Sora, bakit may kalakalan pa rin ng droga?

Pati ang barangay Sangandaan, Project 8 sa QC ay patuloy rin ang kalakalan ng droga? Ano nga ba talaga ang ginagawa ng barangay chairman sa mga nabanggit na lugar?

Ilan lamang ito sa mga barangay sa QC na patuloy ang kalalakalan ng droga pero nakatitiyak tayong halos lahat ng barangay sa Metro Manila ay patuloy pa ring namamayagpag ang drug pushers.

Hamon natin kay Digong, pangalananan na ang sinasabing 5,000 barangay chairman na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *