Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Human rights violations ni Noynoy

BUKAS, muling gugunitain ang International Human Rights Day. Mula sa Liwasang Bonifacio, Mendiola Bridge, QC Memorial Circle at People Power Monument, ang makakaliwang grupo kasama ang dilawang Liberal Party ay inaasahang maglulunsad ng kilos-protesta.

Asahang sesentro ang protesta ng mga grupong ito sa ginawang paglilibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Ba-yani kabilang ang naging paglabag sa mga karapatang pantao ni Marcos noong panahon ng Martial Law.

Dito makikita kung gaano kakitid ang pana-naw ng mga demonstrador sa kanilang gaga-wing pagkilos. Ang paulit-ulit at gasgas na slogan ang muling maririnig sa mga magtatalumpati at tiyak din na mababasa ito sa kanilang mga streamer at placards.

Hindi ba alam ng mga demonstrador na higit na malupit at numero unong human rights violator si dating Pangulong Noynoy Aquino? Bakit sa tuwing guguntain ang International Human Rights Day, pilit na kinalilimutan ng mga demonstrador ang ginawang kalupitan ni Noynoy sa mga aktibista, magsasaka at manggagawa?

Base sa tala ng Human Rights Watch, nitong mga huling taong panunungkulan ni Noynoy, nakapagtala sila ng 65 kataong napatay na pawang human rights activist. Hindi pa kasama rito ang 13 tribal leader at community member na na-patay din.

Umaabot sa kabuuang 300 ang pinaslang na mga aktibista sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy simula nang maluklok sa kapangyarihan noong 2010. Sa mga patayang naganap, pinaniniwalaang mga military at para military group ang may kagagawan nito.

At sino ang makalilimot sa Hacienda Luisita Massacre?  Pitong magbubukid ang pinatay, 121 ang sugatan kabilang na ang 11 bata at 4 na matanda. Tanging kasalanan ng mga biktima ay makuha ang lupang kanilang sinasaka na pag-aari ng pamilya ni Noynoy.

At sino rin ang makalilimot sa Mendiola Massacre  noong 1987?  Sa halip   na lupa ang ipagkaloob, bala ang bumistay sa 13 demonstrador na kasamang nagtungo sa Mendiola bridge.  Ang ina ni Noynoy ang pangulo noon nang maganap ang pagpatay sa mga magsasaka na nagprotesta sa Mendiola.

Kailangang usigin si Noynoy sa kanyang ginawang pagmamalabis sa taongbayan. Ang pagpapalutang sa isyu ng Marcos burial at extra judicial killings ay hindi sapat para matabunan ang mga kasalanan ni Noynoy.

Hindi magiging makabuluhan ang paggunita ng International Human Rights Day kung tulu-yang kalilimutan ang pang-aabuso at pagmama-labis na ginawa ni Noynoy sa taongbayan.

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …