NAGA CITY- Kritikal ang kalagayan sa ospital ng dalawang menor de edad makaraan araruhin ng truck ang isang kainan sa lungsod ng Naga kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Rocky Lupon, 4-anyos, at Anamarie Cielo, 16-anyos.
Ayon sa ulat, pasado 9:45 am habang binabaybay ng isang elf truck na minamaneho ni Norberto Trias, 34-anyos, ang kalsada sa Brgy. Cararayan sa naturang lungsod, nang biglang araruhin ang isang kainan habang naroroon ang mga biktima.
Ayon kay Trias, hindi gumana ang preno ng natu-rang truck kung kaya’t nawalan siya ng kontrol dito.