Very deserving si Coco Martin sa lahat ng malalaking blessings na patuloy na tinatanggap niya sa Itaas para sa kaniyang career. Kasi naman si Coco ang aktor na hindi kailanman pinagbago ng kanyang kasikatan.
Hayan at habang patuloy na pinipilahan sa takilya ang movie nila ni Vice Ganda sa Star Cinema na “The Super Parental Guardians” kasama sina Onyok at Awra na as of presstime ay humamig na ng P150 million.
‘Yung dalawang show naman ng Kapamilya actor kasama sina Yassi Pressman, Onyok, Pepe Herrera at Daryl Ong sa Saudi Arabia sa Al Nasr Leisureland noong December 3 at Dubai na “Isang Pamilya Tayo” organized by TFC ay parehong dinumog ng fans.
Hit na hit sa ating mga kababayan at maging sa mga Arabo ang mga production number ni Coco na sing and dance siya ng Totoy Bibo, Bongga Ka ‘Day at Awit Kabataan ka-duet ang sidekick na si Onyok.
Sa airport pa lang ay dinumog na ang actor ng kaniyang mga tagahanga at ang pangalan ng karakter niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na Cardo ang isinisigaw ng lahat.
And as we heard ay tulad dito sa Pinas ay number one rin pala sa Saudi at Dubai at iba pang mga kalapit bansa sa Asya ang Ang Probinsyano na last December 1 ay nagkamit uli ng pinakamataas niyang rating sa Kantar Media ng 38.4%.
Bukod sa iginawad kamakailan na “Hall of Famer” ng Anak Seal TV Awards 2016 kay Martin ay dalawang bagong parangal pa ang iginawad sa teleserye ni Coco ng Makatao Awards for Media Excellence for the Makatao Exemplary Award ng People Management Association of the Philippines (PMAP) sa top-rating Primetime Teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Best Primetime Drama Program” naman sa katatapos lang na PUP Mabini Awards 2016.
Cardo, ayos na ayos gyud!
KAMBAL KAMPI NA LABAN
KAY ALEX SA “DOBLE KARA”
Sa episode na napanood last Friday sa number one melodrama program sa Kapamilya Gold na “Doble Ka- ra” ay magkakampi na ang kambal na sina Kara at Sara (parehong ginagampanan ni Julia Montes) laban kay Alex (Maxene Magalona) na diabolical ang karakter sa serye ng Dreamscape Entertainment na komokompleto sa inyong hapon.
Muli na naman kasing pinag-away nitong si Alex ang magkapatid nang papuntahin niya si Sara sa isang warehouse dahil nanganganib raw ang buhay ng anak-anakan nitong si Becca (Krystal Mejes).
Ginawa niya (Alex) ito para mapasama uli si Sara kay Kara at pagbintangan na kinidnap ang anak nila ni Seb (Sam Milby) na si Becca. Pero malinaw na siya ang may pakana ng pangingidnap sa bata. Ginagawa niya para guluhin ang pamilya Suarez at kasabwat niya sa modus operandi ang mayamang karelasyong si Julio (Polo Ravales).
Mabuti na lang at agad na dinamayan ni Banjo (Rayver Cruz) at nailayo sila ni Becca sa mga pulis. Dahil sa sinabi ni Becca na hindi ang Mommy niyang si Sara ang kumidnap sa kanya ay nabubuo na sa isipin ng kambal, maging sa ina nilang si Laura (Mylene Dizon) at Ninang Itoy (John Lapus) na si Alex ang may kagagawan ng lahat kaya’t kampi na ngayon ang magkapatid sa pagtugis kay Alex at sa kasamaan nito.
Mapaamin na kaya ng kambal si Alex sa lahat ng mga atraso’t kasalanan niya sa kanila at sa kanilang pamilya?
Abangan ang lalo pang painit na painit na madrama at walang patid na komprontasyon sa mga tagpo sa Doble Kara na napapanood Lunes hanggang Biyernes bago ang “The Greatest Love” ni Sylvia Sanchez na isa ring sa inaabangang soap sa Kapamilya Gold.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma