Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor, ipinagsisintir ang pag-angat ng dyowang aktres

MASKI raw nag-usap na ng masinsinan ang mag-dyowang aktor at aktres na gagawa sila ng project na iba ang kapartner ay hindi pa rin daw mapanatag ang loob ng una dahil nga alam niyang mabubura na naman siya.

Mabubura as in mawawalan na naman siya ng career dahil nga mas sikat sa kanya ang dyowang aktres na maski sino ang makasama nito sa pelikula o teleserye ay tinatanggap ng tao kompara sa aktor na hindi na makaangat sa career.

Napapansin din naman ang aktor, ‘yun nga lang hindi sa acting career niya kundi sa mga produktong ineendoso niya at kami rin mismo ay aminado rito dahil noong pumunta kami sa isang advertising company sa Manila ay larawan niya ang nasa pinakataas at noong tanungin namin ay sinagot kami ng staff ng, “top endorser po siya.”

Bongga si aktor kasi maliwanag na mas malaki ang bayad sa kanya bilang endorser ng maraming produkto kompara sa pagiging artista nito, ‘yun nga lang aktor kasi siya kaya ito ang ipinagsisintir niya.

Susme, kung kami sa aktor, mas pipiliin na namin ang maging top endorser ‘no dahil mas malaki ang kinikita niya kaya okay na ‘yun.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …