Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Aktibistang pulpol

HINDI natin alam kung maituturing ngang tunay na aktibista ang mga kabataan sumama sa ngayon sa mga demonstrasyon o pawang mga aktibistang pulpol na pawang tumutuol sa paglilibing kay Pangtulong Ferdinand Marcos sa LNMB.

Nakalulungkot dahil noong panahon ng paghahari ng diktadurang Marcos, isang karangalan kung ikaw ay matatawag na aktibista. Isang kabayanihan noong dekada 70 kung kabilang ka sa mga kabataang lumalaban sa pandarahas ng estado.

Pero ngayon, ang paggiging aktibista ay uso.  Sikat ka kung kasama ka sa mga demosntrasyon at rally lalu na kung dala mo ang mamahaling cellphone at sa gitna ng matrsa ay patuloy ang yung pagse selfie.

May dangal at prinsipyo ang isang aktibista noon. May linya ang bawat isinisigaw na slogan at ang mababasa sa streamers at placards ay may saysay at may kahulugan. Ang paglahok sa demonstrasyon noon ay may layuning pukawin ang damdamin ng mamamayan at  ya-nigin ang estado.

Hindi tulad ngayon, nagkalat ang mga pupol na aktibista na kapos sa kaalaman sa kasalukuyang sakit ng lipunan. Kung hindi kabastusan ang mababasa sa kanilang pla-cards, walang kapararakang mensahe na parang nasa slumbook ang kanilang inilalagay sa mga placrads.

Hindi lang pulpol, kundi kamote ang mga kabataan na walang alam kung bakit sila sumasama sa mga kilos-protesta. Maliban sa happy at enjoy sila, walang nakikitang tinutu-ngo ang kanilang ginagawang pagkilos.

Ang ganitong situwasyon ay malinaw na sumasalamin na salat sa kaalaman ang mga organizer sa kanilang inilulunsad na kilos-protesta. ‘Ika nga, hindi linyado at walang dala-dalang prinsipyo o ideolohiya na maaaring sumapol o magpamulat sa mga kabataang lumalahok sa kanilang rally.

Mababaw ang kanilang organizing work o talagang walang alam para magmulat ng mga kabataang lumalahok sa nasabing rally. Dapat ay may mga pag-aaral na ginagawa ang mga nagpapatakbo ng rally para maintindihan ng mga kabataan kung ano ang kanilang ipinaglalaban.

Sa ganitong paraan, higit na titibay ang paniniwala ng mga kabataan kung ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi nararapat ilibing si Marcos sa LNMB.

Dapat ay may paliwanag ang mga organizer sa tinatawag na ultimate objective sa kanilang ginagawang kilos-protesta.

Kung hindi magbabago ang mga kabataan sa kanilang ginagawang kilos-protesta, sa malao’t madali, ang mga demonstrasyong ito ay ninipis at maglalaho, at pawang mga lider na lamang nila ang matitira tulad nina Sen. Leila De Lima, Sen. Risa Hontiveros, Mar Roxas at dating Pangulong Noynoy Aquino.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *