Saturday , November 16 2024

Tiyuhin ng alkalde live-in partner utas sa drug bust

120116_front
PATAY ang tiyuhin ng isang alkalde at kanyang live-in partner nang lumaban sa mga operatiba ng CIDG Region 3 sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Roy Ramos, 37, at Rica Rose Estrada, 26, kapwa reidente sa Sitio Dike, Banga 2nd, Plaridel, Bulacan.

Napag-alaman sa impormasyon, ang napatay na si Ramos ay tiyuhin ni Plaridel, Bulacan Mayor Jocelle Vistan.

Ayon sa ulat, lulan ang dalawa ng isang itim na kotseng walang plaka nang makipagtransaksiyon sa isang poseur buyer. Ngunit nakatunog ang mga suspek kaya nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na kanilang ikinamatay.

TSERMAN,3 KAANAK
PATAY SA AMBUSH
SA PANGASINGAN

PATAY ang isang barangay chairman at tatlo niyang kaanak makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Sta. Barbara, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Barangay Banzal Chairman Cecilio Aban, kanyang anak at dalawa pang kamag-anak.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen dahil wala anilang naikukwento si Aban na nakaalitan niya.

Pinag-aaralan din ng mga pulis kung may koneksiyon sa droga ang pamamaril.

ni MICKA BAUTISTA

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *