Monday , December 23 2024

Nag-iwan ng bomba sa US Embassy arestado na

NAARESTO na sa Bulacan kahapon ng umaga ang suspek na nag-iwan ng bomba sa Baywalk malapit sa US Embassy nitong Lunes.

Nadakip ang suspek na si Rayson Kilala alyas Rashid, 34, residente ng Brgy. Bagumbayan, Bulakan, Bulacan.

Ayon kay Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan police provincial director, nadakip si Kilala dakong 9:30 am ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bulacan Police. Makaraang maaresto, dinala sa MPD ang nasabing suspek.

Kamakalawa, inilabas ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang cartographic sketch ng suspek.

Sakay ng taxi, sinasabing itinapon ng suspek ang IED na may 81MM mortar sa isang basurahan sa Baywalk at natuklasan ng isang street sweeper dahilan para mai-detonate ito ng bomb squad.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *