Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik, nakaramdam ng kaunting kirot sa pagpapakasal ni Rufa Mae

NAKITA namin si Erik Santos sa dressing room ng Tonight with Boy Abunda kasama si Jonathan Manalo para sa promo ng Kinse concert ng huli sa Music Museum sa Sabado, Disyembre 3.

Hiningan namin ng komento si Erik sa pagpapakasal ng ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto kay Trevor Magallanes noong Nobyembre 25.

Binanggit namin kay Erik na noong nag-guest si Rufa Mae sa Tonight with Boy Abunda ay tinanong siya ng TV host kung bakit ngayon lang siya magpapakasal at anong nangyari sa mga rati niyang karelasyon at wala ba ni isa sa kanila ang nagyaya sa aktres.

Tanda naming sagot ni Rufa Mae, “kasi siguro Tito Boy tingin nila hindi ako dapat seryosohin kaya walang sumeryoso, hindi nila ako maintindihan kasi ayaw nila akong intindihin.”

Sabi kaagad ng ex-boyfriend ni Mrs. Magallanes, “ay ako seryoso, baka ‘yung iba, basta ako seryoso.”

Sabay sabi pa ni Erik, “actually, noong nakita ko nga ‘yung pictures (ikinasal), parang may kaunting (kirot) hindi dahil sa nagseselos ha, walang ganoon kundi parang, ‘buti pa siya (ikinasal na). May ganoon akong naramdaman, pero masaya ako ha, sobra akong masaya para sa kanya.”

Nabanggit pa na talagang ipina-block daw ni Erik ang petsang Nobyembre 25 kasi nga dadalo sana siya sa kasal nina Rufa Mae at Trevor kaso hindi naman daw na siya ulit tinawagan, “nagsabi na kasi before, eh, hindi na ulit tumawag.”

Bakit nga ba hindi sila nagkatuluyan ni Rufa Mae, eh, sobrang in love naman sila sa isa’t isa “eh, kasi bata pa ako noon, 24 lang ako, tapos 30 na siya (Rufa Mae), so hindi ko pa naisip lahat ‘yun, ngayon gusto ko na, pero heto wala naman akong girlfriend,” pahayag ni Erik.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …