Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily is not a fucking idiot…Walang karapatan si Mercedes Cabral na sabihin iyon — Boy Abunda

HINDI nagustuhan ni Kuya Boy Abunda ang pagtawag ni Mercedes Cabral kay Mother Lily Monteverde ng ‘fucking idiot.’ Hiningan namin ng reaksiyon si Kuya Boy tungkol dito

“Ayoko ng name-calling. Una, puwede naman tayong mag-debate, pero walang bastusan, puwede naman tayong mag-debate, pero walang name-calling, wala siyang (Mercedes) karapatang tawaging fucking idiot si Mother Lily.

“For whatever reason, naghahanap buhay si Mother Lily at hindi illegal, kung pinanonood ang kanyang mga pelikula ay kagustuhan iyon ng mga tao, pero walang ninakaw si Mother Lily, walang niloko, walang kaban ng gobyerno na ninakawan ni Mother Lily.

“Wala akong utang kay Mother Lily ha, hindi ako kumakampi kay Mother Lily dahil kailangan ko siya, hindi. I’m coming from a point of fairness, pero ito rin ang producer na nagbigay sa atin katulad ng mga pelikulang ‘Relasyon’ (1982), ‘Sister Stella L’ (1984), I mean my body of work din naman ang producer na ito, she’s not a fucking idiot at walang karapatan si Mercedes Cabral na sabihin iyon.

“Makipag-debate ka (Mercedes) ka na lang ng maayos doon sa mga puntos na gusto mong ilahad, pero huwag mong i-disrespect ang taong ito (Mother Lily) dahil may karapatan din naman siya bilang producer,” mahabang sabi ng King of Talk.

Paano kung isang araw magsabi si Cabral na gusto niyang mag-guest sa Tonight with Boy Abunda para ipagtanggol ang sarili?

“I’m okay, nag-guest na ‘yan sa akin sa ‘Inside the Cinema’, she’s a very good actress, she’s an actor of consequence, wala namang kinalaman ‘yun sa ating pag-uusap, sinabi ko lang sumobra siya, she crossed the line. I don’t think, she has any right to call anybody a fucking idiot,” say pa ng TV host.

Sabay sabing, “depende kina Nancy (Yabut-producer ng ‘TWBA’) kung papayag sila (mag-guest), pero kung ako, ako pa?”

‘DI NA NATIN PROBLEMA, KUMITA MAN O HINDI

Dinalaw namin ang TWBA host sa dressing room niya noong Lunes ng gabi para hingan ng reaksiyon sa mga isyu ngayon tulad ng mga pelikulang napili sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Marami kasi ang pumalag sa naging desisyon ng screening committee at unang-una na ang mga producer at artista ng mga pelikulang The Super Parental Guardians, Enteng Kabisote 10 and the Abangers, at Chinoy Mano Po 7.

Nagulat kami dahil akala namin ay sang-ayon din si Kuya Boy sa hinaing ng producers.

Tanong sa amin ni Kuya Boy, “do you want change?” At sinagot namin ng, ‘oo.’

“Mayroon kang eight member na screening committee na in-appoint ng MMDA dahil sila ang legal na postura, legal posture to appoint the screening committee.

“At saka napakaganda ng membership from Nick Tiongson, Sid Lucero, Crispina Belen, Ping Medina, Mae Paner, Krip Yuson na ibig sabihin ay sinunod nila ang criteria na ibinigay (like) 40% story and audience appeal, so kung ano ang istorya ng walong (pelikula) ay subjective, kanila (screening committee) ‘yun, at ang 40% technical excellence, mayroon din silang pamantayan because Krip Yuson is there, 10% is global appeal and 10% Filipinos sensibility. Kaya anong reklamo natin?

“Ngayon kung hindi kumita, eh, problema ‘yun ng MMDA, bakit natin poproblemahin? Bakit natin uunahan?

“Remember ang Metro Manila Film Festival ang nag-produce ng mga pelikulang ‘Himala’.  Hindi man siguro kumita ng malaking pera, malay mo, there’s some good happen to this. Ang akin lang, bakit hindi natin subukan, panoorin muna natin,” pangangatwiran ng TV host.

Hindi naman nagbigay ng komento si Kuya Boy sa sama ng loob ng tatlong producers.

”I will not comment on that because that is their opinion kasi inilagay din sa ating isipan halimbawa na ang premise na ang Metro Manila Film Festival ay pambata, eh, wala naman yata sa criteria.

“Silang walo (screening committee) ay sinunod lamang ang criteria, anong magagawa natin? May usapan yata na apat mainstream, apat indie na hindi naman yata ini-announce sa lahat, ‘di ba?” sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …