Monday , December 23 2024
Boy Abunda
Boy Abunda

‘Di na natin problema kung kumita man o hindi

Dinalaw namin ang TWBA host sa dressing room niya noong Lunes ng gabi para hingan ng reaksiyon sa mga isyu ngayon tulad ng mga pelikulang napili sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Marami kasi ang pumalag sa naging desisyon ng screening committee at unang-una na ang mga producer at artista ng mga pelikulang The Super Parental Guardians, Enteng Kabisote 10 and the Abangers, at Chinoy Mano Po 7.

Nagulat kami dahil akala namin ay sang-ayon din si Kuya Boy sa hinaing ng producers.

Tanong sa amin ni Kuya Boy, “do you want change?” At sinagot namin ng, ‘oo.’

“Mayroon kang eight member na screening committee na in-appoint ng MMDA dahil sila ang legal na postura, legal posture to appoint the screening committee.

“At saka napakaganda ng membership from Nick Tiongson, Sid Lucero, Crispina Belen, Ping Medina, Mae Paner, Krip Yuson na ibig sabihin ay sinunod nila ang criteria na ibinigay (like) 40% story and audience appeal, so kung ano ang istorya ng walong (pelikula) ay subjective, kanila (screening committee) ‘yun, at ang 40% technical excellence, mayroon din silang pamantayan because Krip Yuson is there, 10% is global appeal and 10% Filipinos sensibility. Kaya anong reklamo natin?

“Ngayon kung hindi kumita, eh, problema ‘yun ng MMDA, bakit natin poproblemahin? Bakit natin uunahan?

“Remember ang Metro Manila Film Festival ang nag-produce ng mga pelikulang ‘Himala’.  Hindi man siguro kumita ng malaking pera, malay mo, there’s some good happen to this. Ang akin lang, bakit hindi natin subukan, panoorin muna natin,” pangangatwiran ng TV host.

Hindi naman nagbigay ng komento si Kuya Boy sa sama ng loob ng tatlong producers.

”I will not comment on that because that is their opinion kasi inilagay din sa ating isipan halimbawa na ang premise na ang Metro Manila Film Festival ay pambata, eh, wala naman yata sa criteria.

“Silang walo (screening committee) ay sinunod lamang ang criteria, anong magagawa natin? May usapan yata na apat mainstream, apat indie na hindi naman yata ini-announce sa lahat, ‘di ba?” sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *