Friday , November 22 2024

Pagod at hirap ang ipinuhunan namin makaabot lang sa deadline ng MMFF — Jose

TULAD ni Vic Sotto ay naglabas din ng hinaing niya si Jose Manalo sa hindi pagkakasama ngayong 2016 Metro Manila Film Festival ang pelikula nilang Enteng Kabisote 10 and the Abangers na idinirehe nina Marlon Rivera at Tony Y. Reyes.

Nagkagulatan daw silang lahat nang malaman ang resulta.

“Medyo nabigla rin kaming lahat. Nag-usap nga kami ni Bossing (Vic) na bakit naging ganoon ang desisyon.

“Wala tayong magagawa, eh. Iyon ang inano ng (screening) committee, ‘yun ang gusto nila.

“Sabi nga ni Bossing, iyon ang panlasa nila. So, talagang pareho kami ng pinag-uusapan.

“Kaya lang, ang iniisip namin, sana panoorin din ng mga bata at makapunta rin sila. Kasi alam mo naman, tuwing Pasko lang sila kadalasan nagkakaroon ng sariling pera, ‘di ba?” kuwento ng komedyante

Sabi pa ni Jose, “naging tradisyon na natin iyon, eh. Sabi ko nga, ako nalulungkot ako, eh. Noong minsan, gumawa si Bossing ng movie na wala ako ng Christmas, sumama pa rin ako sa parada, eh. So, naging panata na namin iyon, eh.”

Ang hindi mawala sa isipan ng sidekick ni Bossing Vic ay ang mga hirap na dinanas nila para lang umabot sa deadline ng MMFF.

“’Yung hinabol namin ‘yung submission, talagang puyat-puyat kaming lahat.

“Umaga pa lang, nakaganito na kami (costume).

“Inaabot kami ng 4 o’clock, 5 o’clock in the morning na walang tanggalan ito. Tapos, from ‘Eat Bulaga’, naka-lola, takbo ng shooting.

“So, pagod at hirap ‘yung pinuhunan namin nina Bossing. Lalo na si Bossing, minsan naiiwan pa iyan. Tapos, editing, dubbing, minadali namin.

“Tapos, eto ‘yung ending. So, talagang nagulat kami. Kung may karapatang sumama ang loob, siguro mayroon kahit kaunti. Pero sa desisyon, wala kaming magagawa, sila ang masusunod,” kuwento ng aktor.

Nakaramdam daw sila ng saya nang makabasa sila ng mga komento sa social media na hinahanap at tinatanong kung bakit hindi nakasama ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa MMFF 2016.  Ano pa raw ang mapapanood nila ngayon kasama ang mga anak?

“Nakatutuwa dahil nakita namin maraming concerned din sa amin, marami rin ang nakikiisa sa amin.

“’Yung ibang tao, lalo na ‘yung wala naman masyadong kaya sa buhay, hindi naman palanood ng sine iyan eh, tuwing Pasko lang sila nanonood ng sine.

“So, mapapaaga lang yung Pamasko nila. Sana magkita-kita rin kami sa mga sinehan, dahil alam ko mag-iikot-ikot din kami sa mga sinehan,” saad ni Jose.

Sa Miyerkoles, Nobyembre 30 na mapapanood ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers mula sa direksiyon nina Marlon Rivera at Tony Y. Reyes mula sa Octoarts Films, MZet Film, at APT Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *