Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, hirap na sa pagpapa-sexy

NAGPAPA-KONTROBERSIYAL at nagpapa-cute na naman itong si Ellen Adarna dahil bigla na lang niya kaming tinalikuran noong tanungin siya tungkol sa litratong naghahalikan sila ni Presidential son, Baste Duterte na kumalat sa social media kamakailan.

Madali namang sagutin ng ‘oo o hindi’ ang tanong namin.

”Ah, that is not, ah, ah” nauutal na sagot ng dalaga pagkatapos ng Q and A prescon ng Langit Lupa.

Mabuti na lang at hindi barubal ang pagkakasabi ni Ellen kaya hindi kami nakaramdam ng galit o inis kundi nakakataka lang.

Hindi naman siya nag-ala Mercedes Cabral kaya palalampasin namin si Ellen.

Wholesome na ang image ngayon ni Ellen dahil kasali siya sa seryeng pambata bukod pa sa may cameo role siya sa The Greatest Love bilang batang Sylvia Sanchez.

Tinanong nga si Ellen kung hindi ba siya naiilang ngayon dahil wholesome na ang papel niya pagkatapos ng Pasion de Amor na private parts lang ang hindi nakalitaw.

“Actually, hindi naman po kasi sanay ako sa mga bata. Ako ’yung eldest (sa family), so, growing up, inalagaan ko ’yung mga kapatid ko rin. I have four younger brothers,” katwiran ni Ellen.

At hindi na raw niya nami-miss ang sexy role, “hindi na, actually, mas gusto ko nga, eh (wholesome). Ang hirap kayang magpa-sexy.”

Dagdag pa, “hindi naman sa ayaw ko. Mahirap magpa-sexy, ’yun lang. Alam naman ng lahat ’yan, mahirap magpa-sexy.”

Si Patrick Garcia ang love interest ni Ellen pagkatapos mamatay ng asawa nitong si Alessandra de Rossi.

Ang ibang kasama sa Langit Lupa ay sina Yesha Camille at Xia Vigor, Yam Concepcion, Jason Abalos, Tommy Esguerra, Miho Nashida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Kitkat, Buboy Garovillo, Viveika Ravanes mula sa direksiyon nina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite mula sa unit ni direk Ruel S. Bayani.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …