Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina, 2 anak patay, 4 pa sugatan sa sumabog na pabrika (Maghahatid ng pagkain sa padre de familia)

112416_front

PATAY agad ang dalawang batang magkapatid, habang binawian ng buhay ang ina sa ospital at apat ang sugatan sa pagsabog ng pabrika ng paputok nitong Miyerkoles ng umaga sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang magkapatid na sina Ashley Mayo, 2-anyos, at Rylee Mayo, 5-anyos, ayon sa ulat ni Bulacan Fire Senior Insp. Carlos Estipular.

Namatay sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital ang ina ng dalawang  bata na si Grace Mayo, na naputulan ng dalawang paa.

Napag-alaman, naganap ang pagsabog sa pagawaan ng AA Fireworks na pag-aari ni Totsie Alonzo sa Sitio Bangka-bangka, Brgy. Pulong Buhangin sa Sta. Maria dakong 9:00 am.

Ayon sa Bulacan Police, paso na noon pang Hunyo 14, 2016 ang lisensiya ng sumabog na pabrika.

Unang iniulat na kabilang sa limang sugatan ang ina ng dalawang namatay na si Grace, naputulan ng paa, pero binawian ng buhay sa ospital.

Ang mag-iina ay maghahatid ng pagkain sa kanilang padre de familia na nagtatrabaho sa pabrika.

Ang malakas na pagsabog ay naramdaman hanggang sa mga kanugnog ng Brgy. Pulong Buhangin kaya’t nagpulasan ng takbo sa takot ang karamihan sa mga residente.

ni MICKA BAUTISTA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …