Friday , November 15 2024

Happy anniversary! NBI still the best!

NAPAKAGALING at napakabait nitong si NBI Director Atty. Dante Gierran na nagsumikap para marating ang kanyang kinaroonan ngayon, it’s God’s will.

Self supporting at naging security guard thru perseverance.

At ngayon siya ay naging NBI director at nanatili siyang napakasimple at hindi mayabang. Iniingatan niya ang kanyang pangalan kaya naman hanggang ngayon ay wala pang dungis at walang marinig na alingasngas sa kanya, kasi he is a true public servant.

Ang sa kanya ay trabaho lang din, kaya kung minsan may nagtatampo sa kanya na mga insider dahil ayaw niya sa kalokohan at ilalagay ka niya sa magandang kinaroroonan kung nagtatrabaho nang maayos at husto sa NBI.

Ayaw na ayaw niya ng ilegal at ang gusto niya ay ipatupad lahat ang gusto ni Pangulong Duterte para sa bayan.

Ang ilegal na droga at corruption ang kanyang uunahin na alisin at high profile cases.

***

Kaya ang tema ng anibersaryo ng NBI, “makabago, matatag, kabalikat sa katotohanan at katarungan.”

Pinangunahan mismo ni Pangulong Duterte ang selebrasyon.

Kanyang sinabi na kakampi siya ‘pag tama ang ginagawa at ‘pag masama may kalalagyan kayo.

Nagsama-sama ang lahat sa NBI sa paggunita ng anibersaryo sa pangunguna ni Director Gierran, Asst. Director De Lemos at mga Deputy Directors kasunod agad ang command conference sa lahat ng regional directors upang lalo pang pagbutihin ang serbisyo publiko.

Magagaling ang forensic team, doctors, nurses ng NBI pati na ang choral group kasama ang mga nag-prepare ng programs nila.

Ang mga taga-AOCTD sa pangunguna ni Atty. Lalucis at si Atty. Joel Tubera ng anti-illegal drugs. Ang lahat ng intel sa pangunguna ni Deputy Director Atty. Jun de Guzman at DDIS deputy director.

Ang grupo ng NBI clearance team sa pangunguna ni Mrs. Awanan na may natanggap na award.

Matagumpay ang magandang anibersaryo ng NBI dahil rin kay chief of PIO na si Nick Suarez na talagang asikasong-asikaso ang media.

Congrats PIO EX.O. Helen Grace Premacio, Cherryl Hernandez, Kharen B. Isodro, Antonio Nitan, nakita nang lahat ang pagod at pagtitiyaga ninyo para sa matagumpay na NBI anniversary.

Congrats din kay kay Agent Ligaya Jing Banawan na napakaganda ang ginampanan sa painting at photo exibit ng NBI bilang chairman at siya mismo ang nag-arrange sa pagdating nina Sen. Bongbong at ni Sen. Chiz.

Ganoon din kay Agent Aldrin Mercader na siya mismo ang nag-arrange at nag-imbita kay Sen. BBM na kaibigan niya.

Ang NBI-NCR sa pamumuno ni Atty. Ric Diaz at ang muse ng DDROS na si Nilda S. Manoza. Ang office of the director sa pangunguna ni Atty. Ernesto Makabari at ang buong staff niya na talagang nagtrabaho nang husto sa mga bisita ng nasabing okasyon. Ang anti- fraud, ang IPR, Interpol, anti human trafficking sa pangunguna ni Chief Atty. Janet Francisco at Atty. Menesis, Chief of staff ng DDIS at security management sa pangunguna ni Mr. Alba at mga security ni director Gierran.

Ito lang ang masasabi ko sa NBI, ipagpatuloy ninyo ang pagseserbisyo sa bayan na may takot sa Diyos at palaging isipin ang Nobility, Bravery and Integrity.

God bless us all at mabuhay kayong lahat!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *