SA nakaraang opening ng Cinema One Originals Festival 2016 noong Linggo (Nov. 13) sa Trinoma Cinema 7 ay nagpasalamat ang festival director at head ng Cinema One na si Ronald Arguelles dahil sa patuloy at mainit na pagsuporta ng mga manonood taon-taon.
“Ang lahat ng tagumpay na ito ay dahil sa samahang binubuo ng mga pelikula at ng mga manonood. Ang samahang ito ang buhay ng ‘Cinema One Originals’ at ang buhay ng pelikulang Filipino,” sabi ni Ronald.
Ginawaran din ng special citation noong gabi ang ilan sa mga pelikulang nagbigay karangalan sa loob at labas ng bansa gaya ngAng Babaeng Humayo,na pinagbidahan nina Charo Santos-Concio at John Lloyd Cruz, at Cinema One Originals 2015 entries naMiss Bulalacaoat Manang Biring.
Mabibili naman ang festival pass para sa mga pelikulang kasama sa C1 Originals Festival 2016 sa www.ticketworld.com.ph. hanggang ngayon Nobyembre 22.
( Reggee Bonoan )