Monday , December 23 2024

Acosta, naniniwalang kikita pa rin ang movie nina Vic, Vice at Coco kahit ‘di kasali sa MMFF

PAYAG naman pala si Public Attorney Office Chief Persida V. Acosta na gawing pelikula ang buhay niya at kung papalarin ay sina Ms. Lorna Tolentino, Jaclyn Jose, at Kristine Hermosa ang gusto niyang gumanap.

Napansin namin na pawang magaganda ang mga artistang napili ni Acosta, huh?

Pero sa ngayon ay wala pa naman daw nag-aalok sa kanya kaya hindi niya ito naiisip pa dahil masyado siyang abala sa mga kasong tinutukan ng opisina niya.

At kahit na abala sa trabaho niya bilang PAO Chief ay may oras naman  siya para manood ng sine, katunayan excited nga raw siya sa nalalapit na Metro Manila Film Festival dahil nakakapag-relax siya kasama ang pamilya.

Kaya naman hiningan ng komento ang hepe ng PAO tungkol sa pagbabago ng MMFF ngayong taon dahil pawang Indie Films daw ang napili ng screening committee.

“Okay lang ‘yun, tiyak namang kikita ang mga pelikula nina tito Vic (Sotto), Vice (Ganda) at Coco (Martin) kapag ipinalabas na sila. Eh, kahit wala sila sa festival, palampasin lang ‘yan, kikita pa rin mga pelikula nila,” katwiran ni Acosta.

Tinanong namin kung manonood sila ngayong 2016 MMFF, “oo, lahat panonoorin ko, libre ticket ko, eh. Nagpapadala sa akin ‘yung taga-MMFF,” sagot sa amin.

Inalok na bang maging miyembro o chief ng MTRCB si Acosta, “ayaw ko sumali riyan, matrabaho ‘yan,” natawang sagot ng PAO Chief.

Masarap katsikahan si Acosta dahil marami siyang kuwento kaya naman sinasamantala ng entertainment press na nakapiling niya kahapon ang pagiging jolly niya.

Sinasamantala na rin daw ito ng PAO Chief dahil kapag ipinatawag na siya sa Supreme Court bilang isa sa judge ay hindi na niya makaka-tsikahan pa ang press na naging sandalan niya sa oras ng pangangailangang malathala ang lahat ng nangyayari sa mga kasong hinawakan niya.

“Kasi kapag sinuwerteng mapapunta ako sa SC, maraming restrictions na, hindi na puwede ang get-together na tulad nito, eh, malapit kayo sa puso ko. Pero huwag kayong mag-aalala kasi nasa isipan at puso ko pa rin kayo.

“Ipanalangin natin at makakaasa kayo na kapag ako’y napapunta roon, eh, pawang katotohanan pa rin at pantay na batas ang isusulong ko at hindi mawawala ang tiwalang ibinigay sa akin ng taumbayan tulad ng ibinigay nila sa akin bilang PAO Chief,” paliwanag pa ni Acosta.

Nagbigay din ng payo si Acosta na ‘yung mga personalidad o ordinaryong mamamayan na pinaghihinalaang nasa drug list ay magbagong buhay na at makipagkita kay PNP Chief General Ronald (Bato) de la Rosa para matapos na.

“Wala ka namang kapupuntahan d’yan dahil sobrang higpit na, dalawa lang pipiliin mo, kamatayan o buhay ka,” katwiran ng PAO Chief.

Maski na anong kulit namin sa hepe ng PAO ay hindi siya nagbigay ng mga pangalan ng mga artistang sangkot sa droga, pero marami raw siyang alam.

Anyway, mahilig palang mag-sing a long si Acosta dahil pampawala ito ng stress kaya kapag may libreng oras ay talagang kumakanta siya at ang paborito niyang awitin ay Ikaw na alay niya sa asawa’t mga anak at ang You Raise Me Up na alay niya sa lahat ng taong mahirap at dumaraan sa matitinding pagsubok na huwag susuko dahil habang nabubuhay ay may pag-asa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *