Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tumatandang paurong si Rep. Edcel Lagman

HINDI natin alam kung may pinagkatandaan itong si Rep. Edcel Lagman.

Sa halip kasi na magpakita ng magandang asal at ehemplo, ang kagaspangan sa pag-uugali ng matandang hukluban ang umiiral.

Sa edad 74-anyos, hindi aakalaing may kabastusan itong si Edcel. Inaasahan kasi na bilang isang beteranong mambabatas, magiging matino o kagalang-galang ang sasabihin niya sa harap ng mga mamamahayag.

Sa isang panayam sa media, painsultong sinabi ni Edcel na higit na makabubuti kung sa Bataan Nuclear Power Plant o BNPP daw ilibing ang labi ni Pangulong Ferdinand Marcos sa halip na sa Libingan ng mga Bayani.

Sa ganitong mga pahayag, kitang-kita kaagad kung gaano kababa itong si Edcel.  Personal kung umatake at gagawin niya ang lahat makapanlait lang sa pamilyang Marcos, higit sa lahat sa taong matagal nang namayapa.

Hindi ba naisip ni Edcel na puwede ring may magsabi sa kanya na luwa ang kanyang dalawang mata na parang buwaya, at ang labi niya ay halos nakalaylay na sa lupa?

Ang hirap kasi sa mga taong mapanlibak, hindi nila nakikita ang kapintasan ng kanilang sarili.

Ano ang laban ng isang malaon nang patay at kailangang hamakin pa ni Edcel ang kanyang bangkay?

Oo, sabihin na nating diktador si Marcos, human rights violator, at marami ipinapatay, pero por-Diyos-por-santo, itaas naman natin ang diskurso lalo na kung ang pinag-uusapan ay maselang bagay sa politika.

Hindi kailangan magbastusan. Kung may kalayaan ang lahat sa pagsasalita, gamitin sana ito sa maayos at matinong paraan.  Hindi kailangang manlibak ng kapwa tao, lalo na’t patay na, para lang makakuha ng media mileage.

Hinay-hinay lang sana, dahil may kasabihang una-una lang ang lahat ng nilalang sa mundong ibabaw. At sa kanyang edad, hindi siya nakatitiyak, baka kunin na rin siya ni Lord.  Pero sisiguruhin natin na ang kolum ng Sipat ay may takot sa Diyos at hindi manlalait o manlilibak sakaling si Edcel ay mamayapa.

Siya nga pala, hindi ba’t kinasuhan si Edcel ng plunder sa Ombudsman dahil sa akusasyong ill-gotten wealth at hidden properties na pinondohan ng kanyang pork barrel?  Non-bailable ang kasong kinakaharap ni Edcel at kung mapapatunayan maaaring mabulok siya sa bilangguan.

Kaya nga, medyo ingat-ingat tayo dahil mabilis ang balik ng karma at huwag tayong mapang-api dahil baka bukas makalawa e, tayo naman ang sumalang sa mapanghusga, mapanuri at mapanlibak na mata ng lipunan.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *