Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Follow-up movie ni Angeline sa Regal, next year na maipalalabas

DAHIL kay Angeline Quinto kaya hindi natuloy ang presscon ng pelikulang Foolish Love noong Martes ng gabi.

Kasama niya sa pelikula sina Tommy Esguerra, Miho Nishida, at Jake Cuenca mula sa direksiyon ni Joel Lamangan na produced ng Regal Entertainment, Inc. at ang ibinigay na dahilan ay maysakit daw ang isa sa cast.

Nakatakda sanang ipalabas sa Nobyembre 30 ang Foolish Love bilang follow-up movie ni Angeline sa Regal na That Thing Called Tanga Na. Pero sa 2017 na raw ipalalabas ang pelikula na ayon mismo sa Regal insider.

Nakapalitan namin ng mensahe si Angeline kahapon at tinanong namin kung bakit hindi natuloy ang presscon ng pelikula nila.

“Hindi pa po kasi ready lahat ate, nanggaling din ako sa taping ng ‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya) kanina. And ‘yung theme song po, hindi ko pa po nai-record,” paliwanag ng dalaga sa amin.

Sobrang puyat at pagod sa taping ng MMK kaya hindi na kinayang mag-presscon pa ni Angeline at baka nga naman hindi siya makasagot kung pipilitin niyang dumalo.

Sabi namin kay Angge na baka nagalit sina Mother LilyMonteverdedahil hindi nga matutuloy ang November 30 playdate nila at siyempre nai-book na nila iyon at may schedule na rin ng premiere night.

“Hindi naman po ate Reggee, kasi sila (Mother Lily at Ms Roselle) na rin po ang nag-decide kasi kung sa November 30 po ipalalabas wala po akong masyadong time makapag-promote kasi ang dami ko rin pong gagawin this month,”pangangatwiran ulit sa amin ng singer/actress.

Tinanong namin kung totoong may kissing scene sila ni Jake, pero hindi kami sinagot ng dalaga.

Anyway, kuwento sa amin ng taong malapit sa mag-inang producer na masaya raw ngayon dahil kumita ang The Escort.

“Alam mo sina Mother at Roselle maski hindi kalakihan ang kinita ng mga pelikula nila, masaya na sila roon, let’s say P20-M ang kinita net ‘yun, okay na, hindi na nila hinangad pa ng sobra-sobra, pero kung kumita ng todo-todo, eh, why not, ‘di ba?

“Ang maganda pa sa kanila (Mother Lily at Roselle), marunong silang mag-share sa kita nila.”

In fairness, totoo naman na talagang nagsi-share ang Regal producers sa entertainment press kapag kumikita ang mga pelikula nila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …