Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dream na makatrabaho si Direk Erik Matti

Pagkatapos ng launching ng OTJ mini-series na produced ng HOOQ at Globe Studios na ididirehe naman ni Erik Matti at pamamahalaan ni Dondon Monteverde for Reality Entertainment ay biglang nawala si Ria kaya tinext namin kung saan siya nagpunta at binanggit na hinihintay siya ng bunsong kapatid na si Xavi dahil may event daw sa school nito.

At nagpakuwento kami kung paano siya napasama sa OTJ mini-series.

“Ha ha ha hi tita, surprise noh? Anyway, ganito po kasi ‘yun. ‘Yung GM (general manager) ng Reality Entertainment was my batchmate in DLSU (De La Salle University), same course.

“Tapos nag-message siya sa akin sa Facebook about Direk Erik wanting to meet Arjo to discuss a role.

“So ako, super kilig for Arjo kasi nga, direk Erik ‘yun, OMG!  ‘OTJ’ (the movie) favorite namin ‘yun, eh. Tapos siguro, two weeks after, tinext niya (GM) ako na gusto rin ako i-meet para i-cast, so I referred her to my handler, tita Cris Navarro (Star Magic) and here we are now.

“To be working with Arjo, honestly tita, sa tingin ko, hindi kami magkaka-eksena since different worlds/storylines kami, but for the both of us to be in the same show is already super nice for me.

“Ang sarap sa pakiramdam na kahit paano, slowly but surely, naabot na namin ‘yung mga pangarap namin,” masayang kuwento ng dalaga.

Natupad na ang pangarap ng magkapatid na Arjo at Ria na magkasama sila sa show, pero ang kasama rin ang nanay nilang si Sylvia Sanchez, ay hindi pa nangyayari.

Sina Arjo at Ibyang lang ang nagkatrabaho na sa Pure Love at si Ria ay nakasama ang ina sa Ningning ni Jana Agoncillo noong isang taon.

Sabi ni Ria, ”okay lang po na wala si mommy for now, nagkatrabaho na kami and same with Arjo. So time naman namin ni Arjo, ha, ha, ha. Alam ko naman po na someday, matutupad ‘yung pangarap naming tatlo.”

Si Karen Salas na anak ng protagonist na si Sisoy Salas na gagampanan naman ni Teroy Guzman ang karakter ni Ria.

“Teacher po ako rito and since namatay ang nanay naming tatlong magkakapatid at busy parati ‘yung daddy namin, ako ang tumayong head of of the house, in charge sa groceries, pagtulong sa mga kapatid ko, sa pagba-budget at sa pag-aasikaso sa bahay, basically,” kuwento ng dalaga.

Samantala, sa susunod na linggo na raw ang taping ng OTJ mini-series dahil nagkaroon na ng storycon at script reading ang buong cast noong Miyerkoles.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …