Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Maryo, bumilib kay Paulo

Naging magaan para kay Direk Maryo J. ang trabaho niya bilang director dahil puro magagaling na actor sina Dingdong, Angelica, at Paulo Avelino. Hindi siya nahirapan idirehe ang mga ito lalo na sa mga dramatic scene. Mabilis ang pick-up ng mga ito sa mga eksenang gusto niyang mangyari in every scenes.

Pinabilib ni Paulo si  Maryo J.  sa mga dramatic scene nila ni Angelica. Puro take one lang ang eksena ng dalawa. Kahit first time silang nagkasama sa pelikula, madali silang nagkapalagayan ng loob, enjoy sila sa isa’t isa.

“I’m very blessed actually to work with two very good actors,” sambit ni Paulo.

Malaki ang paghanga at respeto ni  Paulo kay Dingdong kahit noong time na nasa GMA-7 pa siya. “I’ve always been looking up to Kuya Dong, not just for his talent as an actor and his artistry and his passion for films he’s producing but also as a role model para sa society natin,” papuring sabi ni Paulo.

Ganoon na lang ang pasasalamat si  Direk Maryo sa Star Cinema lalo na kina Charo Santos at Malou Santos dahil binibigay daw nito ang gusto niya (technical aspect). Nasasabi rin niya ang gusto niyang sabihin lalo na sa production.

Happy si Direk Maryo  sa kinalabasan ng  kanyang pelikula. Marami raw ang makare-relate sa pelikulang Unmarried Wife na showing on November 16 nationwide.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …