Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, ninang; Butch Francisco, maghahatid sa altar sa Dec. 10 kasal nina Osang at Blessy Arias

TULOY na tuloy na ang kasal ni Rosanna Roces sa kanyang lesbian partner na si Blessy Arias sa Disyembre 10 sa Alexa Secret Garden, Antipolo City at ang maghahatid daw sa kanya sa altar ay si Butch Francisco na itinuring niyang kuya at ilan sa apo niya ay ang TV host ang ninong.

Bakit si Butch Francisco, tanong namin, “hindi na iba sa akin si Butch, nagulat nga ako, wala na palang ‘Startalk’ noong nag-guest ako kay Rhea Santos. One-year na pala siyang walang trabaho.

“Si Ate Guy (Nora Aunor) ang ninang, naku, nauna ko pang sabihin dito (interview) kaysa puntahan ko siya. Nasabi na rin naman sa kanya kaya lang ‘yung personal na ako dapat ang magsasabi.”

Holy union rites by Rev. Agbayani

Ang tawag daw sa kasal nina Rosanna at Blessy ay, “Holy Union rites, ang magkakasal sa amin si Reverend Ascencio (Ceejay) Agbayani ng LGBT (Lesbian Gays Bisexual and Transgender) church.

“Sabi niya (Rev. Ceejay), may freedom tayo of religion,’yung ginagawang ‘yun, holy union rites, pero ‘yung papel n’yo na pipirmahan, let’s say mag-abroad ‘yung isa, i-petition ‘yung isa, ino-honor sa ibang bansa. Rito kasi sa atin (Pilipinas) nasa Supreme court pa, inilalaban pa.”

Alam na raw ng magulang ni Osang na ikakasal siya sa babae rin, “sabi nga ni nanay, kung kailan ako tumanda, at saka ako nagpakipot, ha, ha, ha.

Buhay, tumino dahil kay Blessy

“Actually, kay Blessy lang ako nakikinig bukod sa tatay ko noong buhay pa. Isang tingin lang sa akin ni Blessy, tahimik na ako kaya nga nagpapasalamat din si nanay kay Blessy kasi napatino raw ako.

“Hindi na maligalig ang buhay ko, hindi katulad dati na may meeting (mating) sa hatinggabi, wala na ngayon, puro umaga na at hindi na ako umaalis ng hindi kasama si Blessy.”

At least matino ka na nga kaya masaya kami, “oo nga, matino naman na ako Reggee, noon pa, ayaw mo lang maniwala,” tumatawang sabi sa amin.

Worry kay Lolit Solis

Samantala, open book na nakaalitan ni Osang ang dati niyang talent manager na si Lolit Solis, kailan sila magkakaayos o kailan niya pupuntahan?

“Actually, nagwo-worry nga ako sa kanya, kasi nakita ko ‘yung picture niya kay Bong Lazo, sabi ko, ‘uy ang payat ni manay, bakit ganyan, hindi ko sinabing nagda-drugs siya, pero kilala mo naman si manay (mataba rati),” pahayag ng aktres.

Sabi namin na baka diet lang si Manay Lolit kaya nagbawas ng timbang, “alam mong mayroon na siyang sakit inside, hindi ko alam, nakaka-worry lang kasi hindi ako sanay na makita siya na ganoon,” katwiran ni Osang.

Hindi naman itinanggi ni Rosanna na marami siyang nakasamaan ng loob noon, “tigilan na ‘yan, move-on na tayo. Walang mangyayari. Hindi ko sinasabing makipagbati, basta huwag na lang mag-away, wala namang kapupuntahan.

“Basta ako babatiin kita, kung ayaw mo ako batiin, bahala ka, kung affected ka sa presence ko, bahala ka, basta ako hindi.”

Tama rin naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …