Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, miyembro ng Girltrends ang nagpapangiti at madalas idine-date

MAY announcement ngayong araw  ang OTJ The Series cast na mapapanood sa HOOQ online streaming service na sina Arjo Atayde at Maja Salvador ang pangunahing bida.

Sabin g PR head na si Ed Uy, marami pang cast na kasama at ayaw niyang banggitin sa amin kung sino-sino nang tanungin namin siya kahapon.

Samantala, nagdiwang ng 26th birthday si Arjo sa Basil Authentic Thai Restaurant noong Linggo ng gabi at bilang lang ang imbitado niya dahil gusto raw niya ay intimate dinner kasama ang buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, personal na kaibigan at buong pamilya Atayde sa pangunguna siyempre ng lolo at lola niya, mga pinsan, magulang at mga kapatid.

Kasabay na rin ang pasasalamat cum blow-out ng aktor sa pagkapanalo niya ng Best Supporting Actor sa nakaraang PMPC Star Awards for TV para sa Ang Probinsyano.

Hindi naman nakarating si Coco Martin sa party dahil nasa Amerika at may show pati ang Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal ay wala rin dahil nasa Europe naman dahil nag-celebrate ng kanyang kaarawan ngayong araw, Nobyembre 8.

Nang tanungin namin kung ano ang birthday wish ng aktor ay ang ganda-ganda ng ngiti sa amin.

‘Yun pala, may idine-date na siya at miyembro raw ng grupong Girltrends na napapanood sa It’s Showtime at ayaw pa nga sanang ipakilala sa amin dahil baka intrigahin namin.

Mabilis ang pang-amoy namin ateng Maricris dahil napansin naming may isang babaeng nakaupo sa long table na nakaupo ang Ang Probinsyano boys sa pangunguna nina John Prats, Pepe Herrera, Marc Arcueza, Benj Manalo, Michael Roy Jornales, Archie Alemaniaat iba pa.

At saka na namin babanggitin ang pangalan ng girl para hindi na maudlot ang panliligaw ng aktor dahil sabi nga niya, “kakakilala lang po, tita Reggee sa Star Magic ball, ipinakilala po siya sa akin ng handler ko.”

Sa madaling salita, siya ang special guest mo ngayong birthday mo, “no naman tita, she’s one of my guest, marami naman sila, of course my family and cast of ‘Probinsyano’. I just invited her,” katwiran ng aktor.

Hindi naman itinangging lumalabas na sila ni girl, “yes tita, were dating po, about four times na, dinner-dinner po.”

Ano naman ang masasabi ni Sylvia, ina ng aktor sa bagong girl na idine-date ng anak?

“Nabanggit palang ni Arjo, hindi ko pa masyadong kilala kasi busy din ako sa ‘The Greatest Love’ taping, tapos marami rin akong lakad ‘pag walang taping, si Arjo laging may tapings, bihira kaming magkita, so, hindi ko pa siya masyadong nakakausap.

“Wala naman akong tutol kung sino ang gusto ng mga anak ko, alam naman nila kung ano ang gusto ko, dapat marespeto sa lahat at siyempre maayos,”katwiran ng aktres.

Sa kabilang banda, masaya si Arjo dahil halos lahat ng senior stars na imbitado sa party tulad nina Mr. Eddie Garcia, Jaime Fabregas, Albert Martinez, Agot Isidro, at iba pa ay saktong 7:00 p.m. dumating kompara sa mga bagets stars.

Dumating din ang nag-iisang Queen of Philippine Movies na si Ms Susan Roces na talagang nakipagkuwentuhan din sa lahat.

Ang mga artistang hindi kasama sa AP ay sina Gretchen Barretto kasama si Tony Boy Cojuangco, Billy Crawford, Coleen Garcia, Desiree del Valle kasama ang fiancé na si Boom Labrusca, Bryan Santos, at girlfriend nitong si Marian Flores, Olive Isidro (kapatid ni Agot) at iba pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …