Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Liza, next leading lady ni Coco sa susunod na serye

NAGTATAKA ang program manager ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na si Ms. Dagang Vilbar kung saan nagmula ang balitang Batang Quiapo ang ipapalit sa serye ni Coco Martin sa 2017.

Ang Batang Quiapo ay pelikula nina Fernando Poe Jr. at Maricel Soriano na ipinalabas noong 1986 mula sa direksiyon ni Pablo Santiago at malaking hit ito sa takilya.

Sabi ni Ms. Dagang nang makita naming kumakain sa Grub Restaurant, “baka naman kasi nakita nilang iyon ang ipinakitang teaser sa Ang Probinsyano Pasasalamat concert (Oktubre 8) kaya akala nila ‘yun na.

“Hindi totoo ‘yun kasi maigsi lang ‘yung ‘Batang Quiapo’, hindi puwedeng gawing series ‘yun, dahil kung ganoon din lang, eh, anong pagkakaiba sa ‘Ang Probinsyano’? Halos same lang naman ang concept ng ‘Batang Quiapo’ at ng ‘Ang Probinsyano’?

“Hindi pa nga kami nakabubuo ng ipapalit kasi hindi pa rin namin alam kung kailan matatapos ‘Ang Probinsyano’.”

Naulat ding sina Julia Montes at Liza Soberano ang makakapareha ni Coco sa Batang Quiapo.

Hindi pinansin ni Ms. Dagang ang tungkol sa posibleng leading ladies ng aktor dahil mas binigyan niya ng diin ang balitang Batang Quiapo ang ipapalit sa FPJ’s Ang Probinsyano na malayo raw sa katotohanan.

Sa ganang amin din ay oo nga, pareho ng concept ang Ang Probinsyano at Batang Quiapo.

Dagdag pa ni Ms. Dagang, “nakatatawa ‘yang balitang ‘yan, mas marunong pa sila sa amin? Sila-sila lang ang nag-meeting, hindi kami isinama?”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …