Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Natasha Villaroman, bagong inspirasyon at nagpapasaya kay Paulo

PAGKATAPOS ng Q and A presscon ng Unmarried Wife ay hinabol ng ilang entertainment press si Paulo Avelino habang papasok sa isang kuwarto ng 9501 Restaurant kasama ang program manager ng upcoming seryeng A Promise of Forever na pagbibidahan nila ni Ritz Azul.

Halatang nagmamadali si Paulo pero bilang taong may pinag-aralan ay pinagbigyan niya ang mga nangungulit na press tungkol sa kanyang umano’y girlfriend daw ngayon na si Natasha Villaroman.

Pumutok kamakailan na may girlfriend na ang aktor at isang print ad model daw ng cosmetic brand at lumabas sa indie film na Island Dreams, 2013 na idinirehe ni Gino Santos kasama sina Louise de los Reyes at Irma Adlawan.

Bungad kaagad ni Paulo, “huwag na nating idamay, kawawa naman ‘yung tao dahil wala siya sa industriya natin, alam mo ‘yun, baka maapektuhan pati pamilya niya.”

Sa tanong kung sila na ni Natasha Villaroman? “I’m dating, I’m currently (nag-isip), yeah, I’m dating,” natatawang sabi ng binatang ama.

Si Natasha ang idini-date ni Paulo? “I won’t give any specific answer, ha, ha, ha.”

In love nga ang aktor ngayon, “in love ako sa motor ko at sa trabaho,” natatawang sambit pa.

Sa madaling salita, may nagpapasaya na nga kay Paulo, “It’s nice to see people also na make you realize na malaki ang mundo, ha, ha, ha.”

Kailan nga ba huling nakipag-date si Paulo? “Hindi ko na maalala, pero, dumating ‘yung motor ko, mga May. So mga May na ako napapasaya ng motor ko,” paiwas na sagot ng aktor.

Sa tanong namin kung ‘motor’ ba ang tawag ni Paulo sa special girl niya, “hindi may motor talaga ako, literal na motor.”

At ang brand daw ng motor na bago ni Paulo ay KTM, Sportmotorcycle AG is an Austrian motorcycle na gawa at pag-aari ng CROSS Industries AG and Bajaj Auto Limited. Nagsimulang gawin ito noong 1981 pero kilala na ito since 1934 pa.

Nakakaloka ang mga artista ngayon na humihingi ng privacy sa press kapag nababalitang may karelasyon na sila, pero sangkaterba naman ang mga litratong naka-post sa social media.

Katwiran ng aktor, “hindi ko nga alam kung mangyayari pa sa buhay ko ngayon, pero, alam n’yo ‘yun, ayoko lang pangunahan ‘yung mga haka-haka o mga lumalabas na isyu.

“Siyempre, gusto rin nating lahat ng tahimik na buhay pero ayoko lang na may mga nadadamay at may naaapektuhan, baka maapektuhan sa hindi magandang paraan,” diin pa ng aktor.

Ano ba ang hindi dapat maapektuhan, ang binubuo nitong relasyon kay Natasha?

“Hindi naman binubuo, in general,” natatawang sabi ng aktor.

Samantala, naka-post sa Instagram account ni @becci_dgreat mula sa Hamburg, Germany ang mga litrato nilang dalawa ni Natasha at may caption na, “becci_dgreat no caption needed.! (what you see is what you get.)  #28Oct2016 #PauloAvelino#NatashaVillaroman.

May kuha rin ang dalawa noong Oktubre 31 na may hawak na cake sina Natasha at Paulo at may caption na, “meet the family of Natasha. #october2016 #PauloAvelino #NatashaVillaroman #GoodVibes lang po! Thank you!”

So, kailangan pa bang i-memorize ‘yan Ateng Maricris?

Anyway, mapapanood na ang Unmarried Wife sa Nobyembre 16 handog ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at kasama rin sa cast sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …