Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bernard, walang suportang ibinibigay sa anak nila ni Jerika

MASARAP interbyuhin ang ate Jerika ni Jake Ejercito dahil marami siyang kuwento at open siya sa lahat at walang itinatago maliban na lang kung bawal ilathala at sinasabi niyang ‘off-the-record.’

Pagkatapos naming maka-one-on-one interview si Jake sa Novotel Restaurant pagkatapos niyang tanggapin ang Best New Male TV Personality sa nakaraang PMPC Star Awards for TV noong Oktubre 23, Linggo ay ang ate Jerika naman niya ang tsinika namin.

Na-curious kasi kami sa ipinakitang retrato nina Ellie (anak ni Jake kay Andi Eigenmann), Isaiah (anak ni Jerika kay Bernard Palanca), at Elijah (anak naman ni Meryll Soriano kay Bernard).

Sa madaling salita, pinsan ni Ellie ang dalawang bagets na lalaki kaya tanong namin kaagad kay Jerika na, ‘close pala ang tatlong bagets.’

“Yeah, they were very close to each other. Si Elijah, I told Meryll na whatever happened between me and Bernard, hindi dapat maapektohan ang relasyon ng magkapatid. Anuman ang mangyari, magkapatid, magkadugo sina Elijah at Isaiah,” kaswal na sabi ng nag-iisang anak na babae ni Manila Mayor Joseph Estrada sa rating aktres na si Ms. Laarni Enriquez.

Close rin daw sina Jerika at Meryll bago pa raw nagpakasal ang huli kay Bernard.

Hiwalay na sina Jerika at Bernard, ”bigla na lang (naghiwalay), and we’re not friends. Hindi ko siya nakikita na, ayaw magpakita, but he can visit anytime Isaiah, hindi ko naman ipagbabawal ‘yun, he will always be the father of my son.”

Hindi nakikita ni Jerika si Bernard ngayon at wala rin daw siyang balita at higit sa lahat, wala ring financial support na natataggap ang anak niya.

“Hindi nga nagpapakita, eh, so paano magkakaroon ng financial support, okay lang naman, kaya ko naman, baka someday magpakita na siya, ha, ha” masayang sabi ni Jerika.

At malabong magkabalikan na sina Jerika at Bernard dahil masaya ang una sa kanyang Spanish–Mestizo boyfriend na si Miquel Aguilar Garcia na nandito sa Pilipinas at nagtatrabaho bilang country manager ng kilalang tiles sa Espanya, ang Togama.

As of now ay kasalukuyang nagtatrabaho si Jerika sa Manila City Hall bilang, ”Personal Secretary to the Mayor (Joseph Ejercito Estrafa) of Manila and Program Director ng ‘Ilaw Ng Maynila’,” kaswal na sabi sa amin.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …