Monday , December 23 2024

Angeline, ‘di na nagsusuot ng bra (Ginaya na rin si Regine…)

KINULIT namin si Angeline Quinto sa presscon ng Divas Live In Manila dahil napansin naming wala siyang suot na bra gayung naka-plunging neckline siya.

Kaya inalam namin kung sadyang hindi na siya nagsusuot talaga ng bra sa mga event.

“Ate Reggs, mas lumalaki kasi ang boobs ko kapag naka-bra ako at saka babakat dito (sabay turo sa likod),” natatawang sabi sa amin.

TABA, NAPUPUNTA SA PUWET

Napansin din naming wala na siyang suot na foam sa puwet niya tulad ng dati na naglalagay siya kasi super flat ang butt niya, parang tinadyakan ng kabayo.

“Ha, ha, ha, ‘yung foam? Wala na, ikaw talaga,” tawang sagot sa amin ng dalagang singer.

At ang dahilan ni Angeline kaya hindi na siya gumagamit ng foam, “di ba nagpa-lipo ako sa likod, nagpa-lipo ako sa tiyan, ang taba ko napunta lahat sa puwet.

“Kasi nga po once na nagpa-lipo ka like sa arms, hindi na siya pupuntahan ng taba, ‘yung mga taba mo, lilipat sa ibang parte ng katawan mo, kaya ako, napunta lahat sa puwet.”

MAGALING KUMANTA AT MAPUTI
ANG GUSTING MAPANGASAWA

Anyway, mahigit isang buwang nawala si Angeline sa Pilipinas dahil may King and Queen of Hearts tour sila ni Erik Santos kaya tinutukso namin ang dalaga kung may update na ang relasyon nila ng binatang singer.

“Actually, nakaka-pressure ‘yun, kasi minsan dumarating din ang time na napapaisip ako. Noong nasa US ako, nagkaroon ako ng time na pag-isipan lahat ‘yun. Sabi ko lang sa sarili ko na ‘ayaw kong mangyari ‘yung namatay si papa ko na hindi man lang ako nakitang nagkaroon ng sariling family ko.

“Ayoko ring mangyari kay mama Bob ‘yun, so ‘yun na lang ang ipinagdarasal ko na sana kapag nahanap ko na ‘yung tamang lalaki para sa akin, sana nandiyan pa siya (mama Bob).

“Actually, napag-usapan po namin kung kailan at sabi ko sa kanya’ pogs (tawag kay Erik) alam ko naintindihan mo naman ako, minsan lang kasing dumating ito (career), ayoko namang mawala. Siyempre gusto ko ring magkaroon ng sariling family ko,” pag-amin ng dalaga.

Kung hindi pa handang mag-asawa si Angeline, bakit hindi na lang unahin muna ang baby?

“Eh, ate Reggs, kung sakaling mauna, o magbuntis ako, paano naman ang mga trabaho ko? Isipin mo, ilang months akong kailangang mawala? At naintindihan naman ni Erik ‘yun,” katwiran sa amin ni Angge.

Biniro naming hihintayin daw siya ni Erik, “ay ewan ko sa kanya. Ayoko naman siyang tanungin.  Sana nga po. Pero sabi ni Erik sana raw pag nagkaroon siya ng baby, sana raw ‘yung nanay magaling din kumanta,” biglang nagseryosong sabi ng dalaga.

At sabay tawang, “siyempre gusto ko rin po ang magiging tatay ng anak ko, singer din at maputi.”

‘DI APEKTADO NG BILLING

Sa kabilang banda, napansin naming may ‘and’ ang pangalan ni Yeng Constantino, hindi ba apektado si Angeline sa billing.

“Alam mo ate Reggs, siguro, ‘yung billing na ‘yan, sa lahat na lang nagiging isyu lalo na sa fans.

“Pero sa amin naman, hindi ‘yan big deal, eh, siguro para sa ibang tao, big deal sa kanila ‘yan, pero ako naman as long as kasama ako sa concert na ito, hindi na kao magrereklamo, ‘di ba?

“Hindi po isyu sa akin kung ako ang unahin nila, o ilagay sa gitna or ako ‘yung last. Lahat kami ay may kanya-kanyang journey na tinahak para marating ito.

“So kung sinuman po ‘yung pinakasikat, pinakamaraming songs na napasikat, okay lang. Itong ‘Divas Live in Manila’, mas magtutulungan nga kami para maging strong ito.

“Actually hindi ko nga po alam sa sarili kung ano ang basehan ng sikat at hindi, yes. Basta ako may work ako, hanggang ngayon, kumikita ako ng pera sa pamamagitan ng pagkanta ko, okay na po ako roon, at kung may ibibigay sa akin na mas malaki, thank you,” paliwanag pa ng dalaga.

Ang Divas Live in Manila ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa November 11, produced ng Cornerstone Concerts and Star Events with musical director Ria Villena Osorio at stage director naman si Paul Basinillo with special guests Kaye Brosas, Jaya and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

At sa mga gustong bumili ng tickets, maaring tumawag sa 911 5555 or log on to www.ticketnet.com.ph. and sponsored by Belo Medical Group, Silka and AOR Studios; minor sponsors Converse, Parisian Shoes and Bags, Felicidad Mansion, Taverna Catering at ang media partners ay ASAP, MYX, The Philippine Star, Business World, MOR 101.9 For Life, Magic 89.9, Manila Concerts, Philippine entertainment Portal, Inquirer. Net, abs-cbn.com and onemusicph.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *