ARESTADO ang isang lalaki makaraan akusahan ng panggagahasa ng isang 68-anyos lola sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa ulat mula sa Sta. Maria Police, kinilala ang suspek na si Raymundo Sandico, 47-anyos, driver at helper ng biktima na isang biyuda.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente makaraan makipag-ino-man ang suspek sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Natutulog ang biktima sa sofa sa loob ng kanilang bahay nang gahasain ng la-sing na suspek.
Hindi nakapalag ang biktima dahil sa kanyang kapansanan makaraan atakehin ng mild stroke.
Sa pagsusuri, nagpositibo sa resulta ng medico legal examination na ginalaw ang lola ng suspek na nga-yon ay nakapiit na sa himpilan ng pulisya.
( MICKA BAUTISTA )