Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KZ no time for love, mga kapatid pinag-aaral pa

KATULAD ni Yeng Constantino ay sumusulat din ng kanta si KZ Tandingan, pero wala pa raw siyang lakas ng loob na sumulat para sa co-singers niya tulad ng Pop Rock Superstar.

Sa nakaraang Divas Live in Manila presscon ay nabanggit ni Yeng na nakagawa na siya ng kanta para kina Angeline Quinto at KZ bukod pa sa ibang artists tulad nina Erik Santos, Vice Ganda at iba pa. Bukod tanging si Kyla lang ang hindi pa nagagawan ng una.

Kaya tinanong namin si KZ tungkol dito, ”actually po, sumusulat ako ng kanta para sa akin palang, pero gusto ko rin naman po sumulat din para sa mga kasama ko, as of now wala pa,” say ng rakista ng Cornerstone diva.

Napakinggan namin ang jazz version ni KZ ng Isang Linggong Pag-Ibig at gandang-ganda kami.

“Kami-kami lang po ng ka-banda ko ang nag-arrange niyon, salamat po ang nagustuhan n’yo,” nakangiting sabi ng dalaga.

For the nth time ay muling natanong si KZ kung kailan naman siya mag-aasawa tulad ni Yeng dahil nasa tamang edad na rin naman ang X Factor Philippines 2012.

“Wala pa po kasi kailangan mapagtapos ko muna ng pag-aaral ang mga kapatid ko,” mabilis nitong sabi.

Sabagay, tulad ni Angeline habang may offer tanggap lang ng tanggap.

At in fairness, maraming raket si KZ sa corporate shows bukod pa sa mga concert.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …