Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Boykotin ang anti-Marcos concert sa Luneta

MUKHANG naubusan na ng gimik ang mga tumututol sa paglilibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Matapos kasing langawin ang sunod-sunod nilang rally, ngayon naman isang concert ang pakulo ng grupo bilang pagtututol sa Marcos burial.

Ang concert ay gagawin sa Rizal Park na pangungunahan ni Noel Cabangon kabilang na ang mga hindi kilalang artist. Si Noel ay kabarkada ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaya ma-dalas na makita sa mga pagtitipon at rally noong nakaraang administrasyon. Super sepsep si Noel sa Liberal Party.

Ang ibig lang sabihin, pakulo na naman ng “dilawang kulto” ang isasagawang concert katuwang ang grupong makakaliwa na walang ginawa kundi ang sumigaw ng imperyalismo at kung ano-ano pang walang katuturang slogan.

Nakita ng mga dogmatikong grupo na hindi na epektibo ang kanilang isinasagawang kilos-protesta laban sa Marcos burial kaya naisipan na mag-concert na lang sila sa Rizal Park. Ang masakit nito, tiyak na lalangawin ang concert dahil malamang na naroroon na naman ang mga epal tulad nina Sen. Risa Hontiveros, Butch Abad at Mar Roxas.

Sa kabilang banda, mukhang maayos ang isasagawang pagkilos ng mga pabor sa paglili-bing kay Marcos sa LNMB. Bukod kasi sa Torch Parade-Vigil, isang Luksang Parangal ang isasagawa ng mga grupo sa harap ng Supreme Court.

At sa harap ng SC, magkakroon ng poetry reading, dula at mga awitin. Layunin ng mga pagkilos na ito ay maiparating sa mga mahistrado ng SC na desisyonan na ang usapin sa paglilibing kay Marcos at maging parehas sa kanilang gagawing pagboto.

Inaasahang higit sa walong boto ang makukuha ng pabor sa Marcos burial kontra sa makakaliwang petitioner na tumututol sa paglilibing. Inaasahan ding si Associate Justice Diosdado Peralta ang boboto pabor sa Marcos burial kabilang na ang pito pang mahistrado.

Kaya nga, mukhang natataranta na ang grupo ng kaliwa at dilaw kaya kung ano-ano na lang ang pakulo na kanilang ginagawa. Dapat lang boykotin ang concert na isasagawa sa Rizal Park dahil wala naman itong kawawaan.

Siya nga pala, dapat malaman ng lahat na si Rom Dongeto ng bandang Buklod ang composer ng awiting Kanlungan at hindi si Noel Cabangon. Inawit lang ito ni Noel at hindi dapat na ikabit ito sa kanyang pangalan.

Ang bandang Buklod ay isang progresibong grupo na madalas na makitang tumutugtog kapag may mga rally sa Mendiola at Liwasang Bonifacio. Hoy, Noel, mahiya ka naman!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *