Monday , December 23 2024

12 New Songs of Praise pasok sa ASOP Music Fest

MULI na namang mapapanood ang taunang ASOP (A Song of Praise) Music Festival Grand Finals awards na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Nobyembre 7, Lunes, 7:00 p.m. handog ng UNTV.

Nasa ikalimang taon na ang ASOP Music Festival Awards at ngayong taon ay mapakikinggan ang 12 New Songs of Praise at alamin kung ano ang mananalong Song of the Year na magwawagi ng P500,000 in cash; lahat ng hindi mananalo ay may consolation price na P20,000 at ang mapipiling People’s Choice award ay mag-uuwi ng P50,000.

Sa ginanap na presscon ng UNTV’s ASOP sa Hukad Restaurant, Trinoma Mall ay ipinakilala ang mga composer at interpreter.

God Will Always Make a Way – isinulat at nilapatan ng musika nina Glenn Bawa at Ronald Calpis at si Bugoy Drilon naman ang interpreter.
Tapat Mong Pangako – likha ni Gulliver Enverga at ang boyband na The Voysing naman ang kakanta.
Ikaw Lamang ni Jonathan Sta. Rita at ang 2nd season contestant ng The Voicena si Tim Pavino naman ang aawit.
Ikaw Pala – na isinulat ni Wilfredo Gaspar at ang powerful voice na si Ima Castro ang napiling mag-interpret nito.
Tanging Ligaya gawa ni Angelica Soriano at ang Youtube sensation na at X-Factor 2011 auditionee na si Zendee ang napiling kumanta nito.
Ang Iyong Pangalan ni  RomaricoMendiola Jr. at ang grand winner ng Pilipinas Got Talent Season 1 naman ang kakanta na si Jovit Baldovino.
Patawarin Mo Ako na komposisyon ni Fernando Gardon at ang R & B singer na si Kris Lawrence ang performer.
Araw at Ulan ni Joselito Caleon at ang bossa nova singer na si Sitti naman ang kakanta.
Pag-ibig Ka, Oh Dios – words and lyrics by LJ Manzano na aawitin ng magkakapatid na JBK boyband.
Mula sa Aking Puso mula kay Joseph Ponce at si Carlo David ang interpreter.
Kumapit Ka Lang ni Noemi Ocio at kakantahin naman ni Mela.
You Stood By Me na likha ni Vincent Labating at ang dating miyembro ng Rivermaya na si Jason Fernandez na nag-audition din sa The Voice season 2 ang kakanta.

Ang nasabing kompetisyon ay sponsored nina UNTV Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng Ang Ating Daan.

Sa nasabing presscon ay ipinaliwanag ng kilalang kompositor at jingle writer/arranger na si Mr. Mon del Rosario na lahat ng entries ay dumaan sa karayom bago nakarating sa finals dahil hinimay-himay nilang mga hurado ang pagtatama ng bawat salita o ini-edit ang tamang lyrics bago lapatan ng musika.

Kaya tinanong si Mr. del Rosario kung hindi ba nawawala ang original na isinulat ng kompositor kung ini-edit nila ang lyrics ng bawat entry sa ASOP.

“As a resident judge of ‘ASOP’, in my case po, more on guiding the composers, I ask the composers kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanta niya, tapos sasabihin ko na hindi ganyan ang naririnig (naiintidihan) ko, eh. So more on a technical aspects in guiding them kung paano i-improve ang story telling nila.

“Pero ako personally, I tried to avoid writing the actual lyrics sila (composers/lyricist) pa rin po ‘yun.

“Kasi sa technical term, magulo minsan ang timeline tulad ng may kuwento siya na kahapon, ngayon, bukas. Eh, medyo magulo po ‘yun, kaya ‘yun po ang inaayos na sinasabi namin sa composer. So the judges is pointing out kung ano ‘yung mga mali kaya may mga recommendation,” paliwanag mabuti ni Mr. del Rosario.

Nagkuwento nga ang lahat ng kompositor na kasali sa ASOP Music Festival na malaking tulong ang nagawa sa kanila ng nasabing patimpalak dahil nailabas nila ang talent nila sa paglikha ng mga awiting papuri sa Panginoong Diyos.

Samantala, sa mga boboto ng choice of song ay maaring mag-log sa https://www.asoptv.com/pollfor the People’s Choice Award and support Original Pilipino Praise Music by subscribing to our official YouTube channel –  https://www.youtube.com/asoptv. At lahat ng awiting kasali sa festival ay pinatutugtog sa Wish FM 107.5.

Layuin ng ASOP Music Festival na ipalaganap ang mga salita ng Diyos kaya libre itong nada-download at hindi rin ipinagbibili ang CD’s na pinaglalagyan ng lahat ng kantang narinig sa nakaraang apat na taong ASOP Music Festival.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *