Monday , December 23 2024

Vaccine for dengue, suportado nina Tintin, Paolo at Maricel

NAGKAROON ng kampanya ang Sanofi Pharmaceutical Company para sa Be A Wall Against Dengue na ginanap sa Novotel Hotel Araneta Center, Cubao Quezon City kamakailan at ang mga host nilang sina Christine Bersola-Babao, Paolo Abrera, at Maricel Laxa-Pangilinan ay naging biktima ng dengue.

Kuwento ni Tintin, “I had Dengue three (3) times, twice in high school and the third time, I was already on television (host) in my 20’s—26 or 27.

“Sobrang protektado kami (nanay) sa paglalagay ng lotion, kaso hindi moa lam kung saan ka kakagatin ng lamok na ‘yan, baka sa school or baka sa farm.

“Akala ko hindi na ako magkakaroon ng dengue since nagkaroon na ako, so when I was a television reporter and assigned in Manila, tandang-tanda ko pa na late afternoon na ‘yun, nakasalampak ako sa floor while waiting for live on air, naramdaman ko ‘yung kagad ng lamok, ang sakit, matindi, tapos pagtingin ko, nandoon pa ‘yung lamok, so hinintay ko na lang na magka-fever ako which I had, I did for several days, high-grade fever, tapos nu’ng nawala na, yun ang inabangan ko para malaman ko kung babagsak ang platelets ko at do’n ko naramdaman ang sakit ng buto ko, ang sakit ng tiyan ko, (classic signs ng dengue).

“Noong nagto-toothbrush ako, may bleeding, hinawakan ko ‘yung nose ko, mayroon na ring dugo ‘yung nose ko, hayan na, punta na sa hospital and I stayed there for three (3) weeks buti na lang it wasn’t that serious na fatal kasi kung hindi kakailanganin ko ng blood transfusion, hindi naman. IV at rest lang kinailangan ko at tumaas na ulit ang platelets ko.”

Ngayong may mga anak na sina Tintin at Julius Babao na sina Anya (11) at Neo(6), “wanna take the chance noong malaman naming may dengue vaccine ay pinapunta ko agad si Antonia sa pedia niya kasi ‘yung six years old ko, hindi pa puwede, dapat nine– 45 years lang kasi. Kaya hihintayin ko na lang na mag-nine ‘yung bunso ko.

“Si Julius naman hindi na puwede kasi 48 na siya, overage na, sayang nga, pero ako nagpa-dengue vaccine na ako kasi (Blood) 0 type positive ako and I am the perfect candidate for dengue vaccine. Kaya kayong lahat (entertainment press at iba pang nasa presscon), magpa-dengue vaccine na kayo.”

May age limit ang dengue vaccine dahil mas effective raw sa mga edad na nabanggit.

Hindi naman daw sukat akalain ni Paolo na ang isang tulad niyang physically fit na o health conscious ay dadapuan ng dengue.

“I had dengue seven or eight years ago and ito ‘yung height ng activeness ko, I was doing triathlon, doing marathons, so feeling ko, fit na fit ako, feeling ko invincible ako, I don’t know where I got it, pero I came down to classic symptoms, high fever went away, tapos ang sakit-sakit ng behind my eyes. It’s a terrible time (talaga) and I was admitted to the hospital. Napaka-powerless ng feeling, napaka-helpless, wala kang magagawa kundi keep you monitor and hydrated. At maski lumabas ka na ng hospital at nasa bahay ka na, nanghihina ka pa rin kaya try to regain your strength.

“Last year ‘yung bunso namin also got dengue, thankfully it’s a mild case but as a parent already that went thru the experience of having dengue parang ayaw mo talagang mangyari especially to people you love and close to, especially to a child.”

At si Maricel naman ay dalawang beses ding nagka-dengue, noong six years at hindi pa nila alam kung anong tawag sa sakit, basta alam niya ay kinagat siya ng lamok at nilagnat.

Kuwento nga ni Maricel ay nasa ibang bansa siya noong panahong nangka-dengue ang panganay nila ni Anthony Pangilinan kasama ang magulang at mga kapatid para sa kanilang yearly bonding.

“Noong bumiyahe kami sa Africa, I kept myself protected from malaria and yellow fever kasi galing din iyon sa lamok, eh. And we were excited to go to Africa to see the Safari.

“Then, nakatanggap ako ng tawag na may dengue ang anak ko, so parang may heart is torn, to enjoy the Safari and to fly back to Manila, try to help and see my daughter be well.

“You know, the struggle is real and for me this is close to my heart na ayokong mangyari ito sa kahit na sinong pamilya, we have our own unique stories to tell, but they are definite solutions that we do not allow other people to go through the same trauma, the same mistakes having exposed ourselves to place na alam naman nating nandiyan lahat ng lamok.

“So, for me it’s very important ‘yung integrated prevention, vaccine is one amazing step and of course, kung may vaccine ka at ‘yung sa pamilya mo na walang vaccine at hindi na puwedeng magpa-vaccine ay hindi mo na kayang protektahan, I believe as communities come together to get educated and then hold hand and say we are going to up this wall against dengue, mababawasan po ‘yung cases, or if not sana naman matigil kasi deadly at hindi nakatutuwa dahil sa maliit na lamok na ‘yan, masisira ‘yung trabaho mo, disposisyon mo, gagastos ka ng malaki dahil maoospital ka and for what, ‘di ba? Buti kung mabuhay ka, eh, kung mamatay ka and maraming cases po na ganoon lalo na sa mga bata,” paliwanag ng asawa ni Pangilinan.

Going back sa eldest daughter niyang nagka-dengue habang nasa Safari siya ay gumaling naman dahil naiwan naman daw si Anthony at sinabing huwag siyang umuwi ng Pilipinas dahil siya na raw ang bahala.

“Sabi ni Anthony, we will be fine, don’t come home, enjoy Safari, took pictures there para sulit naman ang pag-alis mo. We’ll just update you,” natawang kuwento ni Maricel.

Kuwento pa, umabot daw sa 20 years ang pag-aaral sa pagtuklas ng dengue vaccine kaya almost 100% effective raw ito at kung mayroon man itong mali ay maliit lang ang tsansa.

At ang mga lugar na most infected hotspots ng dengue ay ang Metro Manila o NCR, Region IV-A or CALABARZON, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Central Luzon, at Western Visayas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *