SA unang pagkakataon ay pumayag si Jasmine Curtis Smith na gumanap bilang lesbian sa Baka Bukas na kasama sa narrative featured category sa C1 Originals Festival 2016 at magsisimula sa Nobyembre 14-22 na gaganapin ang screenings sa Trinoma Cinema, Gateway Cinema, Greenhills, at Cinematheque.
Ang pelikulang Baka Bukas ay isinulat at idinirehe ni Samantha Lee at kasama rin ni Jasmine sina Louise de los Reyes at Kate Alejandrino.
Binibiro namin si Jasmine na ngayong may project siya sa Cinema One Originals ay baka mapanood na rin siya sa ABS-CBN teleseryes dahil magtatapos na ang kontrata niya sa TV5 sa susunod na buwan, Nobyembre
“I accepted this film not because of Cinema One but because of Sam Lee, the director so parang mas naging personal ‘yung reason for accepting the movie,” mabilis na katwiran ni Jasmine.
Kaya tinanong namin kung ano ang relasyon niya kay direk Sam Lee na isa palang lesbian.
“I met het last year sa mga writer namin sa play na ‘No Filter 2.0’, so after niyon lagi na kaming nagkikita sa events and then one event earlier this year, in-approach niya ako to do the film,” kuwento ng aktres.
Tungkol sa lesbian relationships ang kuwento ng Baka Bukas at si Jasmine nga ang title role at si Louise naman ang bestfriend niya na nagkagustuhan sila.
“Ang different angle rito is I’m a lesbian na struggling of coming out to her bestfriend, kasi in love siya sa bestfriend niya, so more of relationship ng bestfriends ang ipakikita rather than falling in love,” kuwento ni Jasmine.
Hindi mo aakalaing lesbian si Jasmine dahil mukha siyang babaeng-babae, mahaba ang buhok, may make-up o femme na tinatawag.
“Hindi mo aakalaing ano (lesbian), kasi nga girl pa rin, pero siyempre may naiiba sa galaw,” sabi pa ni Jasmine.
Tinanong namin kung happy ending sila ni Louise sa kuwento, “sana, may two options, nag-two takes lang kami kasi iba-iba ‘yung emotions namin per take, so hindi ko pa sure which one ‘yung napili ni direk.”
At dahil gagampanan ni Jasmine ang girl to girl relationship sa Baka Bukas pa ay tinanong namin kung may experience na siya sa tunay na buhay o nagparamdam sa kanya.
“Lesbian? I don’t know, not that I’m aware of, casually, pero nothing to be taken out of context naman. Normal lang at hindi showbiz kasi wala pa naman ako nakilalang taga-showbiz na aminadong lesbian, eh, other that of course Ms. Aiza Seguerra and her partner (Liza Dino) and Charice.
“I think, that’s also one of the point in the story because rising actress ‘yung role ni Louise and we can see rin sa industry natin ‘di ba na not many people comfortable being honest that they’re lesbian. Usually, itinatago ng artista ‘yan, kasi siyempre paano ka ipapares sa love team, paano ka makikitang iniidolong babae kung ganito ka naman. And for a very conservative country and parang isang anggulo rin we show (sa movie),” paliwanag ni Jasmine.
Dagdag paliwanag pa ni Jasmine na kaya raw niya tinanggap ang project ay dahil karamihan din sa mga kakilala at kaibigan niya sa industry ay kasama sa LGBT community.
“This is one step further to accept different life. Although this community is mostly recognized by Gays, what about Lesbians? Siyempre, naging talk din for a while ‘yung transgender. But for some reasons, when it comes to lesbians, taboo na (kasi) people are not comfortable with it. So bakit ganoon? So I never hesitated,” katwiran ng dalaga.
At tungkol sa love scene nila ni Louise ay hindi naman daw matindi dahil, “of course ang bansa natin, conservative, maraming conservative na tao na part ng production, part ng making the film na hindi naman ka-open while watching such scenes in our local industry. Maraming considerations na naganap throughout the film, ok ba ito, papayag ba, mga ganoong considerations.”
Napanood daw ni Jasmine ang French movie na Blue is the Warmest Color na tungkol sa lesbian relationship na may love scene at ‘pag inalok daw siya…
“Of course! My God buy all means, I would love to. Siyempre the final word is not with me, pagka-ano puwede na,” say ni Jasmine.
FACT SHEET – Reggee Bonoan