Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Cuenca, lasing na lasing lang at ‘di totoong nagwala at nagmura

ITINANGGI ni Jake Cuenca na nagwala at nagmura siya sa nakaraang Star Magic Ball noong Sabado ng gabi.

Ayon sa balita, habang nagsasalita raw si Jericho Rosales na tumanggap ng icon award ay nagwala at nagmura umano lasing si Jake na noo’y  lasing na kaya inawat siya ng handler niya.

Inakala ng lahat na hindi nagustuhan ni Jake ang pagbibigay kay Echo ng Star Magic Icon award dahil dapat daw siya ang bigyan nito.

Ang paliwanag ni Jake pagkatapos ng announcement/presscon ng Ikaw Lang Ang Iibigin, “ay hindi, kaya nagkaroon ng commotion kasi lasing ako, daldal na ako ng daldal most probably kung ano-anong sinasabi ko kaya inaawat ako ng handler ko, hinihila na akong palabas, tapos inakyat na nila ako sa kuwarto ko, hayun, tulog daw ako pagbagsak ko sa kama.”

Tinanong namin kung bakit siya naglasing o uminom, “si Paulo (Avelino) kasi, sabi niya agahan daw naming uminom, eh, hayan, naparami, nalasing kami. Minsan lang naman sa isang taon, sa mga ganitong okasyon lang kasi puro naman kami work,” pangangatwiran ni Jake.

Nahuli ring magka-holding hands sila ni Ellen Adarna, ”ay wala ‘yun, aysus. Magkaibigan kami ni Ellen sobra. Kung may babaeng Jake Cuenca pagdating sa inuman, si Ellen ‘yun.  Wala magkaibigan kami.”

Single but not ready to mingle ang sitwasyon ngayon ni Jake dahil kakahiwalay lang nila ng girlfriend niyang si Sara Grace Kelley at focus muna siya sa trabaho lalo’t magiging busy na siya nitong mga darating na araw dahil magsisimula na ang tapings ng Ikaw Lang Ang Iibigin, ang balik tambalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu mula sa Dreamscape Entertainment.

Inamin mismo ito ni Jake noong nagkabiruan during Q and A na siya lang ang hindi masaya ang puso dahil sina Kim at Gerald ay parehong masaya in their respective partners at kaagad niyang sinabing, focus nga siya sa trabaho at walang planong magkaroon ng karelasyon.

Bukod kay kina Jake, Gerald, at Kim ay makakasama rin sa Ikaw Lang Ang Iibigin serye sina Ms Helen Gamboa-Sotto, Nicco Manalo, Coleen Garcia, Bing Loyzaga, at iba pa mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …