Monday , December 23 2024

Jake, inilahad ang dahilan kung bakit umabot ng 2 taon bago inaming anak niya si Ellie

MAN of the hour si Jake Ejercito sa nakaraang PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Novotel Hotel, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Pagkatapos tanggapin ni Jake ang award niyang Best New Male TV Personalitypara sa God Gave Me You, Lenten presentation ng Eat Bulaga kasama sina Maine Mendoza at Alden Richards ay pinagkaguluhan na siya ng media (TV/radio reporters at print at bloggers) at hindi na kami nakigulo pa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba kami sa restaurant ng Novotel at sakto, nakita naming kumakain sina Jake kasama ang mama niyang si Ms. Laarni Enriquez, ate na si Jerika Ejercito, Ms. Liz Alindogan, at katotong Jobert Sucaldito.

Kaagad naming tinext si katotong Jobert kung puwedeng makausap si Jake lalo’t kay Ellie niya inalay ang tropeong natanggap niya, ”to my number one inspiration, my princess, my Ellie, this is for you.”

Hindi kami nagdalawang salita dahil kaagad pumayag si Jake at siya pa ang lalapit sana sa amin, pero kami na lang ang umupo sa tabi niya.

102516-jake-ejercito
Diretso kaagad ang tanong namin kay Jake kung bakit umabot pa ng dalawang taon bago niya aminin na siya ang tunay na ama ni Ellie.

“Nalaman ko, more than a year ago. Actually, almost two years ago, yeah, almost two years ago,” nag-iisip na sabi ni Jake.

Dagdag namin, ‘and that’s December?’

“Yeah, about December,”  tumawang sagot ni Jake sabay tingin sa amin ng diretso.

At inamin naming naisulat namin na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi noong December 2014 habang nasa New York, USA kami at nalaman namin iyon sa mga kaibigan din ni Jake na nakilala namin doon.

“Ha, ha, ha, umabot sa ibang bansa, yes almost two years ago, and Ellie was already 3 (years) when I found out,” tumatawang sabi sa amin ng binatang ama.

Paliwanag ni Jake, ”Well, sa akin kasi, I’m very grateful that I never denied it, kapag tinatanong ako, my answers was not straightforward, but I never denied it. Kaya ganoon ang mga sagot ko na hindi ko sinasagot ng straightforward kasi ang importante sa akin is to protect Ellie and I mean, it wasn’t me naman who was pinpointed, there’s someone else, I wasn’t identify naman as the father, so for me, I don’t really owe anyone an apology kasi hindi naman ako nag-pinpoint kundi iba and I never denied it kapag tinatanong ako, sabi ko lang, ‘I’ve been there for Ellie ever since she was concede, ‘di ba?

“If you ask me bakit ang tagal from the time na nalaman ko until the time na na-reveal na, it wasn’t for me to announce or to reveal, kasi alam kong maraming maaapektuhan and most of all, ang iniisip ko lang, si Ellie rin.”

AKO LANG ANG NAKILALANG DADDY NI ELLIE

Wala raw sa bansa si Jake nang manganak si Andi.

“I was still based in London when she (delivered Ellie), that was November 2011, siguro na-meet ko siya (Ellie) noong nag-Christmas break (ako).

“To be honest, hindi ko naramdaman ‘yung sinasabing lukso ng dugo, actually in-anticipate ko na, mayroon kaya o wala and that’s why kasi ang paniwala ko rin talaga (si Albie Casino) sa iba.

“Even so, I was still there since then, and I am very grateful kasi, no regrets. Ako lang kilala ni Ellie na daddy niya, ever since,” masayang kuwento ni Jake.

Kilala ba ni Ellie si Albie Casino o naririnig man lang ang pangalan nito? ”I don’t think so,” saad ng ama ng bagets.

Biro pa namin, ‘good thing hindi pa nag-i-internet si Ellie’, at natawang sagot ni Jake, ”hindi pa (natawa), ‘yun nga, eh. Siguro dararating din doon.”

WALANG PANG KOMUNIKASYON: SAGUTAN SA TWITTER

Hindi raw nag-uusap sina Jake at Andi simula noong nagsagutan sila sa Twitter. Kaya binanggit din namin na isa kami sa pumuna sa kanya dahil pumatol siya at nagsalita ng hindi maganda at sana nag-usap na lang sila ng personal.

Ang katwiran ni Jake, ”well, noong ginawa ko po ‘yun, the very first week alam kong talo ako, but kasi maraming nangyari behind the scenes na I felt like I have to stand-up for myself at least just this once. Kahit talo ako sa mata ng public which is just happened, ‘di ba ‘yung Andi-Jake Twitter party parang ganoon.

“That was fine with me. And after less than a month, na-reveal na (siya ang ama ni Ellie), vindicated ako, I feel somehow na vindicated ako.”

Kilala ba ni Jake si Albie? ”I was able to meet him once, when he was still with Andi. ‘Di ba kasi si Andi, barkada ko na since (bata pa sila), very briefly lang, in passing lang. Ever since that time, somehow for some reasons, never bumped into him.”

POSIBILIDAD NA MAGKABALIKAN

At dahil nalito si Andi kung sino ang ama ng anak ay masasabing may overlap na nangyari.

“Overlap, siguro nasagot ko na ‘yan before, hindi na kailangang balikan pa,”pakiusap ni Jake.

May pag-asa pa bang magkabalikan sina Andi at Jake para kay Ellie?

“As much as I want to answer na tulad ng sinasabi na, I keep my doors open naman, pero feeling ko talaga, wala na, ha, ha” natawang sabi ng ex-boyfriend ng aktres.

Mahal pa ba ni Jake si Andi? ”hindi na po,” diretsong sagot nito.

NAHIHIRAM SI ELLIE AT NAKAKA-BONDING NG MGA PINSAN

Ikinuwento ni Jake na nahihiram niya parati ang anak at natutulog pa nga raw sa kanya ang bata at nakaka-bonding nito ang mga pinsang anak nina Jerika atMeryll Soriano (kay Bernard Palanca).

“She (Ellie) was with me earlier today, tuwa nga si mommy kasi kamukha niya (Ellie), pagmasdan mo, pareho sila ng chin, magkahawig talaga,” tumatawang sabi ni Jake sabay turo sa mommy niyang si Ms. Laarni.

Ipinakita naman ni Jerika ang picture ni Ellie kasama ang mga anak nila ni Meryll. Totoo, hawig nga ni Ms. Laarni si Ellie as in.

Single at focus muna kay Ellie

Wala raw girlfriend ngayon si Jake, ”I’m single now, I just want to focus on my study and to Ellie, like last night, Ellie was with me, sleepover once in a while.

“I’d rather spend my Saturday night with Ellie, kasi I’m based in Singapore, so I was able to fly back once or twice a month, so siyempre, I’ll make it a point to spend time with her, hindi na nga ako lumalabas ngayon,” kuwento ng daddy ng bagets.

Kung dati ay gabi-gabing nasa gimikan si Jake, ”Yeah, those were the days, hindi na talaga, rarely na,” saad niya.

Sadyang binago na ni Jake ang lifestyle niya, ”kasi nga that was two years ago, almost every night, eh, labas ako ng labas, siguro, too much to soon ba tawag doon?  It’s the same people, same place, parang nagsawa na rin talaga.”

Responsible daddy talaga si Jake dahil siya ang nagbabayad ng tuition fee ni Ellie.

“Well, ever since naman, when it comes to her schooling, ako naman ‘yun. I prepared naman talaga, and it started a year ago, yeah, noong nag-start siyang mag-aral. Doon palang. The rest hindi pa namin (Andi) napag-uusapan.

“Well, sinabi ko naman kay Andi na as much as I could help financially, sinabi niya sa akin before na nag-aaral pa ako, kaya pa naman niya, at saka na lang daw namin pag-usapan (magkabati pa sila noon),” pagtatapat ni Jake.

Malapit nang matapos ni Jake ang pag-aaral, ”by August next year (2017) po, Masters in Marketing.”

Sa madaling salita, diretso na siya sa showbiz since nanalo na siya ng Best New Male TV Personality? Pero hilig din ni Jake ang politika, ano ba talaga gusto nya?

BUSINESS OR SHOWBUSINESS?

“Good question, ha, ha, ha.  Kasi right now, itong pagpasok ko po sa showbiz, I never saw it coming, I don’t wanna say I was forced into it, but I can say na very hesitant when I did the teleserye of AlDub. Was very hesitant kasi mahiyain ako, eh. At hindi ko in-expect na ganoon ka-warm ‘yung pagtanggap sa akin ng AlDub nation.

“So as of now siguro, mga guesting-guesting lang kasi nga I’m still visible. And in the future after I graduate, I still don’t know as of now.

“Mayroon din sa politics nagsasabing I should run in Manila, as of now kasi rin, I still have small business ventures, have a small café and small gym in San Juan (malapit sa Xavier School).

“So, kung puwede lang po business, business na lang ako, pero kung nandidiyan naman ang offer (showbiz), kung kakayanin ko po, pero sa tingin ko parang hindi,” tumawang sabi ni Jake.

Ang payo raw ni Manila Mayor Joseph Estrada.

“Si daddy din kasi pabago-bago, pero sabi rin niya mag-business na lang ako kasi masyadong magulo ang politics and showbiz pareho, nagulat nga ako, pinayagan niya ako to do the teleserye, sabi niya, tama na ‘yan (teleserye) kasi mukhang nage-enjoy na raw ako,” nakangiting kuwento pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *