Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, nilayasan na ang Star Magic

IISA ang tanong ng lahat, bakit umalis sa Star Magic si Julia Montes at lumipat sa Cornerstone Talent Management  ni Erickson Raymundo?

Habang isinasagawa ang Q and A presscon ng Divas Live in Manila upcoming concert ay tinabihan namin sa upuan ang Cornerstone Talent Management honcho para alamin kung bakit siya na ang bagong manager ngayon ni Julia pagkalipas ng 12 years nitong pamamalagi sa Star Magic.

“Actually, hindi kami magkakilala talaga ni Julia, hindi nga kami close, nagulat na lang ako na one of my staff told me na gusto akong makausap, gusto akong i-meet.  Siyempre nakagugulat, bakit?

“Then I found out that matagal na pala siyang nagpaalam sa Star Magic, kina Mr M (Johnny Mahahan) at Ms Mariolle (Alberto).

“Tapos ‘yun nga, gustong magpa-manage sa akin.  Nagtanong ako at sabi, career move, the usual na sinasabi ng artista kapag nagpapalit ng manager.

“Ang ginawa ko, bago ako um-oo kay Julia, nakipag-meeting ako kina Mr. M at Ms Mariolle, kasi ayoko namang masira ang magandang relasyon ko sa Star Magic just for one artist.

“Maganda ang pag-uusap namin, nagbigay ng blessing sina Mr M and Ms Mariolle at natutuwa sila na sa akin daw lumapit. Very short lang ‘yung meeting namin, pagkatapos niyon nag-usap kami ni Julia at willing daw siya sa lahat ng plano namin,” mahabang paliwanag ng talent manager cum producer.

Napapaisip kami dahil ang alam namin ay mahal nina Mr. M at Ms Mariolle si Julia dahil nine years old palang ang aktres ay alaga na nila wala naman kaming nabalitaang naging pasaway o na-involve sa anumang gulo o isyu maliban doon sa naging boyfriend niya si Enchong Dee pero hindi naman sila nagtagal.

Prioridad ni Julia ang pamilya dahil komo siya ang breadwinner kaya wala siyang gustong gawin kundi magtrabaho at sa awa ng Diyos ay nakapagpundar na ng negosyo para sa lola niya bukod pa sa bahay para sa magulang at mga kapatid at ngayon ay may sariling bahay na rin.

Sabi pa ni Erickson, ”actually, bago ako nag-post na ‘welcome Julia sa Cornerstone’, after two weeks na siya sa amin.

“Hindi ko kasi alam kung paano, kung ipo-post ko kaagad kasi tiyak maraming magtatanong, eh, hayan, tulad mo, nabasa mo nga sa timeline ko,” sabi pa ni Erickson.

Kaya pala hindi na dumalo si Julia sa Star Magic Ball.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …